Celebrity Life

Kim de Leon at Shayne Sava, ibinahagi ang kanilang quarantine life sa Kapuso Brigade ZOOMustahan

By Bianca Geli

Naka-bonding nina StarStruck Season 7 Ultimate Survivors na sina Kim de Leon at Shayne Sava ang kanilang fans sa online kuwentuhan na Kapuso Brigade ZOOMustahan nitong July 17.

Ani ni Kim, kapag hindi siya abala sa All-Out Sundays, nagba-biking ito at naglalaro ng online games. Nakahiligan na rin daw niya ang mag-TikTok.

"Naging busy ako sa online games, minsan TikTok, minsan nagse-stream ako sa Kumu. And recently nag-air ang All-Out Sundays. Nagba-bike din ako."

Nagpakitang-gilas din si Kim sa Kapuso Brigade nang mag-impromptu acting ito ng mga eksenang ibinigay ng isang viewer.

Nagbigay naman ng skin care and beauty tips si Shayne. Aniya, dapat bigyang importansya ang pag-aalaga sa sarili kahit nasa bahay lamang.

"This quarantine, matagal tayong 'di nakakalabas ng bahay. Dapat inaalagaan pa rin natin ang ating sarili kahit 'di tayo lumalabas ng bahay. Mostly, kelangan natin ng confidence. Kasi 'yun ang nagdadala sa atin. May kasabihan na self-love is the best love."

Nag-handog din ng special song number sina Kim at Shayne sa kanilang fans.

Makipagkuwentuhan sa inyong favorite Kapuso stars online! Sumali lang sa Kapuso Brigade official Facebook, Twitter o Instagram: @kapusobrigade at magpadala ng message
kung bakit kayo ang dapat mapili para sa next Kapuso Brigade ZOOMustahan.

Lexi Gonzales at Shayne Sava, kumasa sa iba't ibang TikTok challenges sa GMA Playlist Live

Kapuso Showbiz News: Kim De Leon, paano nakaka-adapt sa 'new normal?'