Celebrity Life

Paolo Contis brings LJ Reyes to tears while watching 'Through Night and Day'

By Cara Emmeline Garcia

Sa kanilang ika-5 anibersaryo bilang isang couple, isang vlog ang hatid ni Bubble Gang star Paolo Contis sa kanyang fans at ito ay ang reaction video nila ni LJ Reyes habang pinapanood ang “Through Night and Day.”

Maaalalang naging hit sa streaming site na Netflix ang mga pelikula ni Paolo kamakailan kaya naman naisip niyang ibahagi ang kanilang reaksyon habang nanonood nito.

Saad niya sa camera, “Medyo special ang episode natin today kasi ito ay bilang pasasalamat ko sa mga nanood ng mga pelikula ko sa Netflix na 'Pangarap Kong Holdap' at 'Through Night and Day.'

“Maraming nag-request ng reaction video habang pinapanood natin ang pelikula at dahil channel ko 'to 'Through Night and Day' ang papanoorin natin.”

Bago nagsimula ang pelikula, ikinuwento ni Paolo ang ilang facts tungkol dito tulad na lang ng kinanta niyang “I Will Be Here” na originally ay dapat “Tears in Heaven” ni Eric Clapton.

“Pumayag na 'yung record label pero sa kasamaang palad, si Mr. Eric Clapton hindi pumayag kasi the song is very personal for him,” sambit niya.

Nang ipalabas na ang pelikula, hindi na napigilan ni LJ na maiyak sa kadulu-duluhan kaya itinigil ni Paolo ito kahit may 12 minutong natitira na lamang.

Pabirong wika ni Paolo, “So, ayan di namin natapos 'yung last 12 minutes ng movie.

“But, I would like to thank everyone, sa lahat ng nanood ng 'Through Night and Day' at 'Pangarap Kong Holdap,' thank you po. Lalo na po sa mga nakatapos ng pelikula.

“'Yung last 12 minutes baka isang content pa 'yun. Thank you.”

Panoorin ang buong reaction video nila:

5th anniversary

Sa kanilang Instagram, binati ni Paolo at LJ ang isa't isa sa kanilang ika-5 anibersaryo noong Linggo, July 26.

Bitiw ni Paolo sa social media site, “5 pictures, 5 years… but only 1 you! Thank you for everything, mahal! @ljreyes

“Hindi alam ng tao kung gaano ako kahirap pakisamahan minsan (or madalas). They don't know the things you have given up for me, they don't know how strong you are, they don't know na ikaw ang main ingredient ng bahay na 'to kaya kaming lahat ay masaya at malakas.

“Marami pa silang hindi alam… pero lahat yan, ay alam ko! And I am so lucky and thankful!

“I love you so much, mahal ko!”

Sweet words din ang isinulat ni LJ para kay Paolo sa kanyang Instagram post.

Sulat ni LJ, “It's such a difficult time and all I can say is that there's no other person I would want to go through this than you!

“It's honestly been such a roller coaster ride of emotions for me lately, but thank you for being patient with me! Thanks for always being the strength I didn't know I needed!

“I wish for more fruitful years with you and the kids! I love you @paolo_contis!

“Happy 5th! Sa 6th mo na lang ako ulit i-try i-surprise!”

Unang nagkakakilala sina Paolo at LJ sa Sugo noong 2006, ang unang proyekto ni LJ pagkatapos ng StarStruck.

Noong 2014, nagkasama muli sila sa GMA drama na Yagit kung saan niligawan na ni Paolo si LJ. Mayroon silang isang anak, si Summer Ayana.