Celebrity Life

Gladys Reyes, nag-a-adjust din sa online class ng anak na si Grant

By Dianara Alegre

Ibinahagi ni Kapuso actress Gladys Reyes na nahihirapan siyang tulungan ang anak niyang si Grant Carlin Sommeroux sa pag-a-adjust sa new normal education system ng bansa. Ito ay dahil gaya ng maraming magulang, hindi rin siya tech-savvy.

Source: iamgladysreyes (IG)

Aniya, “Is it just me? Hirap pala ng online class for younger kids. Need to assist them. E, paano kung 'di rin techie ang parents? Gusto ko maiyak.”

Dagdag pa niya, hindi lang pala mga estudyante ang kailangan mag-adjust dito kundi pati mga magulang din.

“Hope kids could adjust to this new normal online class easily as well as parents. #adjustingtothenewnormal #dilemmaofonlineclass#babysteps #patienceisavirtue,” aniya.


Nakatakdang magbukas ang new normal na klase sa bansa ngayong Agosto. At dahil online na gaganapin ang klase, kinakailangan ng mga estudyante na magkaroon ng angkop na gadgets para rito.

Samantala, dahil marami ang umaaray sa bagong regulasyong ito ng Department of Education (DepEd) bunsod na rin ng kawalan ng tablet o laptop para sa pag-aaral, isa si Queen of Creative Collaboration Heart Evangelista sa mga celebrity na tumulong sa mga higit na nangangailangan.

Namigay siya ng daan-daang tablet sa mga estudyante sa pamamagitan ng kanyang Big Heart.