GMA Logo Chef Boy Logro
Celebrity Life

Chef Boy Logro, ipinasilip ang kanyang farm sa Davao de Oro

By Maine Aquino
Published August 13, 2020 5:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Chef Boy Logro


Busy ngayon ang ating 'Idol sa Kusina' sa pagtatanim sa kanyang farm!

Napapaligiran ng fresh ingredients at iba pang magagandang tanim ang farm ng ating Idol sa Kusina na si Chef Boy Logro.

Sa kanyang video, ipinakita ni Chef Boy ang kanyang farm na matatagpuan sa Davao de Oro. Ayon kay Chef Boy, namumunga na ang kanyang mga itinanim doon.

"Ito 'yung itinanim ko na mahogany. This is about 4 years already. Para siyang pathway o hallway." saad ni Chef Boy.

Ipinakita rin ni Chef Boy ang pagkuha ng kanyang mais. Ang kanyang mais ay isa lamang sa mga maraming tanim namumunga na ngayon sa kanyang farm sa Davao de Oro.



"Kuha tayo ng mais. Kita ninyo kung gaano kataas ang mga mais ko?"


/>

Kasalukuyang namamalagi sa Davao si Chef Boy simula nang magkaroon ng community quarantine kasama ang kanyang pamilya.

Samantala, mapapanood naman ang mga bagong episodes ng Idol sa Kusina ngayong August 16 sa GMA Network. Ang fresh episodes ay eere tuwing 10:05 a.m.

Idol sa Kusina: Fresh episodes in GMA! | Teaser

Idol sa Kusina: Best with kanin | Teaser