Celebrity Life

Lovi Poe, may movie poster kasama ang Korean stars na sina Ji Chang Wook at Park Seo Joon?

By Cherry Sun

Inedit ng isang fan ang movie poster ni Lovi Poe upang palabasing leading men ng Kapuso actress ang Korean stars na sina Ji Chang Wook at Park Seo Joon.

Nitong August lamang, nag-number one sa Netflix ang pelikula ni Lovi na Hindi Tayo Pwede. Katambal niya sa romantic movie na ito sina Tony Labrusca at Marco Gumabao.

Ang kanilang movie poster ang ginamit ng isang tagahanga ni Lovi na may Instagram handle na @mitchie_edit at nilapatan ito ng mukha nina Ji Chang Wook at Park Seo Joon. Gamit pa rin nito ang pamagat ng pelikula kaya't may nakakatuwang hirit ang Kapuso actress.

Komento ni Lovi, “Bat hindi? Pwedeng pwede!”

Hiling pa niya ay idagdag din daw si Jung Hae-in sa sususnod na edit ng kanyang litrato.


Dahil dito, pinagkaguluhan ng ilang celebrities ang Instagram post ni Lovi.

Kahit edited, mapapa-wish ka na rin ng #SanaAll!

Si Ji Chang Wook ay sumikat sa pagganap sa Empress Ki habang si Park Seo Joon naman ay mas nakilala dahil sa mga K-drama na She Was Pretty at Itaewon Class.