Article Inside Page
Showbiz News
Ano nga ba ang nararamdaman ng 'StarStruck season 7' graduate na si Abdul Raman tuwing nakakabasa siya ng negative comments? Takot din ba syang mabiktima ng "cancel culture" sa social media?
Dahil nasa showbiz industry na si Abdul Raman, hindi maiiwasan na makakakita at makabasa siya ng negative comments online.
Ibinahagi ng StarStruck season 7 graduate ang kanyang nararamdaman sa mga taong walang sawa sa pag-post ng negative comments sa social media.
Saad ni Abdul, "I just think marami silang free time."
Dagdag pa ni Abdul, kapag nakakakita siya ng pangbabash sa kanya ay tinatawanan niya lamang umano ito.
"I mean seriously, wala naman akong pake sa kanila. It doesn't really affect me kapag meron akong nakikitang negative comments. Tinatawanan ko na lang e or I make a joke about it."
Alam rin umano ni Abdul na malayang makakapagsalita ang sino man sa kanyang kapwa.
"Generally, you're free to say what you want."
Isa pang nakikita ngayon ni Abdul sa social media ay ang cancel culture. Ayon sa dictionary.com, "Cancel culture refers to the popular practice of withdrawing support for (canceling) public figures and companies after they have done or said something considered objectionable or offensive."
Para sa young Kapuso actor, nagiging toxic umano ang cancel culture lalo na kung kakalkalin pa ang nakaraan ng isang tao.
"Ang nangyayari sa cancel culture is let's say... eto, alam mo 'yung mga celebrities na made a tweet eight years ago na hindi na relevant ngayon. I think 'yun na 'yung toxic part na nun e."
Dugtong pa niya, "Meron kasing trolls na magsasabi lang ng negative comments and usually it ends there lang. Pero may mga taong gusto talagang sirain ang pagkatao mo, ang buhay mo, ang career mo. They'll waste a day and a half para hanapin 'yung tweet mo eight years ago."
Para kay Abdul, wala siyang kinakatakutan sakaling may gagawa sa kanya nito dahil hindi naman umano siya active sa social media.
"Hindi ko naman kinakatakutan 'yun eh. I mean you know, dig whatever you want sa Twitter ko kaka-create ko lang niyan 2016 tapos inactive ako diyan for three years so you know. Have some fun."
ALSO WATCH:
Kapuso Showbiz News: Abdul Raman tells effect of pandemic in showbiz
Kapuso Showbiz News: Abdul Raman gains more confidence after 'StarStruck'