
Binalikan ni Abdul Raman ang kanyang buhay bago pa siya makapasok sa showbiz.
Dating commercial model si Abdul bago mag-audition sa StarStruck season 7 para matupad ang kanyang pangarap na maging artista.
Kuwento ni Abdul sa exclusive interview ng GMANetwork.com, nag-commercial model siya noon para mapansin at mabigyan ng opportunity sa showbiz.
Ito umano ang naging dahilan na matupad ang kanyang pangarap.
Pag-amin ni Abdul, "Thanks to the opportunity ng StarStruck, doon talaga ako nagkaroon ng big, big, big head start para sa mga nagsisimula.
"I'm really really thankful na nakapasok ako sa StarStruck."
Samantala, ibinahagi ng young actor ang kanyang mga natutunan nang makapasok siya sa StarStruck.
"I feel like I've grown a lot since StarStruck has started.
"Kasi, really StarStruck Abdul, parang bata.
"Parang bata lang ako noon, I was so innocent, palaasa sa magulang ang others.
"I was like generally pathetic. Wala akong pakialam na tawagin sarili kong pathetic noon kasi totoo naman."
Ngayon ay naramdaman niya na naging confident na gawin ang iba't ibang hamon para sa kanya bilang isang artista.
"Right now, I feel more confident after StarStruck. I feel more mature, more independent."
WATCH: Abdul Raman, nagpaalam na sa 'StarStruck'
WATCH: 'StarStruck' male hopefuls, nagpagalingan sa kanilang hardest artista test