GMA Logo Paolo Contis
Celebrity Life

Paolo Contis, bakit nga ba nagbabawas ng timbang?

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 2, 2020 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026 fluvial procession brings the Sto. Niño from Mactan to Cebu
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis


“It's not really the weight I lose but the life I gain.” Sa loob ng anim na buwan, 30 pounds na ang nabawas sa timbang ni Paolo Contis.

Nasa 30 pounds na ang nabawas sa timbang ng komedyanteng si Paolo Contis simula nang nagsimula ang quarantine noong March.

Ayon kay Paolo, nagsimula siyang mag-exercise at magpapayat para sa kanyang one-year-old daughter na si Summer.

Kuwento ni Paolo sa 24 Oras, “It's not really the weight I lose but the life I gain.”

“It's true para sa akin. Napunta na ako sa point na pagtakbo ni Summer nang ikatlong hakbang, ayoko nang sumama, e. Hindi pwedeng ganun.

“Kailangan nakakahabol na ako. Ngayon, I eat better, I sleep better, I stopped drinking.”

Aminado rin si Paolo na may posibilidad na pumasok sa showbiz si Summer kaya tinuturuan niya ito ng iba't ibang acting techniques. Ang isa sa mga itinuro niya ay ang 'tahimik na pag-iyak' acting.

“Para akong may matandang kausap, grabe nakakatuwa,” dagdag ni Paolo.

“Deretso na 'yung conversation pero siyempre baby pa rin magsalita.

“Tapos may mga acting siya na 'Ouch! Ouch!'”

Sa pagtatapos ng interview, sinabi ni Paolo na susuportahan niya kung ano man ang gustong gawin ni Summer in the future.

“Cliché man pero kung saan siya masaya pero habang bata, ang ituturo mo lang naman sa kanya are the values para pagsinabak mo siya sa giyera, alam na niya ang lahat.”

LJ Reyes

Magtu-two years old pa lang ang anak nina Paolo Contis at LJ Reyes na si Summer sa January. / Source: paolo_contis