
Nais ni Sanya Lopez na bago sumapit ang Pasko ay makalipat na siya sa kanyang dream house.
Sa exclusive interview ni Sanya sa GMANetwork.com ay ikinuwento ng First Yaya star ang status ng kanyang bagong bahay.
Hindi raw niya inaasahang bibilhin niya ang kanyang dream house kung kailan may COVID-19 pandemic, ngunit sa tagal daw niyang naghahanap ay ramdam daw niyang natagpuan niya na ito.
Pag-amin ni Sanya, “Iba 'yung pakiramdam ko, as in good vibes talaga. Sabi ko.. Eto na nga, gustong-gusto ko na 'yung bahay ngayon. Ang tanong, 'Pandemic ngayon so paano ko bibilhin 'tong bahay na 'to?' Sabi kong ganun. Alam mo 'yung nag-aalanganin ka pa kung bibilhin ko ba ito o hindi. Kaya lang iba 'yung pakiramdam ko dito sa bahay na 'to, kaya sabi ko, 'Hindi, kaya natin 'yan. Sige, bibilhin ko 'yan. Kaya ko 'yan.' 'Yun na lang 'yung sinabi ko, talagang, 'Gusto ko 'to. Gusto ko 'to. Naniniwala akong kakayanin ko 'to.'”
Ilang construction at paglilinis na lamang daw ang tinatapos at makakalipat na sila ng kanyang pamilya sa kanilang bagong tahanan. Dagdag pa ni Sanya, sana ay dito nila ipagdiwang ang Kapaskuhan.
Wika niya, “Patapos na, pa-okay na rin. Naghihintay na lang kami kung kalian pwedeng dumating 'yung furniture kasi nag-aaayos-ayos pa, naglilinis pa. So para 'yung alikabok or dumi doon hindi masama doon sa furniture. And then sa mga kino-construct, medyo patapos na din. Palipat na lang din po kami, well baka before this Christmas po.”
Sa isa pa niyang panayam sa GMANetwork.com ay inamin din ni Sanya na interesado siya sa pagdo-drawing ngayon dahil nais niyang i-decorate sa kanyang bagong bahay ang kanyang sariling artwork.
Panoorin ang kanyang buong panayam sa videos sa itaas.