Celebrity Life

Rocco Nacino assists Navy and Marines in a relief operation in Rodriguez, Rizal

By Jansen Ramos

Naki-isa ang actor/navy reservist na si Rocco Nacino sa pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Dela Costa 5, Rodriguez, Rizal kahapon, November 15.

Inilunsad ng team S.T.A.R.S. ng Philippine Navy at Philippine Marines Corps ang relief operation na pinangunahan nina PO3 Dennis Barradas at PO3 Cliff Mendoza.

Halos 2000 katao ang nabigyan ng relief packs at iba pang essential needs gaya ng damit na idinonate ng BCMC Class 01-20 Batch Dakila, kung saan class president si Winwyn Marquez, at ng iba pang donors.

Bukod kay Rocco, nakilahok din ang kanyang girlfriend na si Melissa Gohing at iba pang volunteers sa distribusyon ng relief goods mula sa patnubay nina COL Ferdinand Almoite, CMDR Reynado Rosas, at ng iba pang Navy officers.

Samantala, dumulog si Rocco sa social media para makalikom ng donasyon para sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses na maaaring ipadala sa Kapuso Foundation.


Sa isang situation briefing kahapon, inanunsyo ng executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na si Ricardo Jalad na umakyat na sa 69 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Ulysses.

Dalawangpu't isa naman ang bilang ng sugatan at 12 indibidwal ang naireport na nawawala.

Sa kabuuan, halos 280, 000 pamilya o 1.1 million ang naapektuhan ng bagyo sa bansa.

RELATED CONTENT:

Aiai Delas Alas helms relief operation in Marikina for Typhoon Ulysses victims

Jasmine Curtis-Smith, personal na nagbigay ng tulong sa mga biktima ng Typhoon Ulysses

Celebrities join forces for Typhoon Ulysses victims