Showbiz News

Carmina’s ‘Amazing’ kids

Carmina Villaroel talks about her new show, and about working with twelve children. Text by Karen de Castro. Photo by Mitch S. Mauricio. Simula ngayong Sabado, April 16, ay mapapanood na ang pinakabagong reality cooking show ng GMA, ang Amazing Cooking Kids, which will be hosted by Carmina Villaroel. Very excited naman si Carmina sa kanyang bagong show na ito. “Amazing. Amazing kasi it’s so refreshing na nakakatrabaho ko yung mga bata. This time hindi pa sila mga artista. So nakakatuwa, lahat sila yung tipong mga bata na, kaya nga sabi ko swak na swak yung title na Amazing Cooking Kids kasi talagang amazing sila,” says Carmina. Makakasama ni Carmina dito ang twelve kids na finalists ng kakaibang cooking competition na ito. Kamusta naman ang kanyang relationship with them? “Nakaka-tape pa lang kami ng first episode. Sa umpisa pa lang parang close na close na kami,” kuwento niya. “Love ko na sila. Ayokong may matanggal.” Meron na ba siyang paboritong napipisil sa mga contestants na ito? “Alam mo parang silang lahat. Wala akong ma-pinpoint na parang ‘Si Duday lang’. Lahat talaga, kasi katulad nung sinabi ko, para akong mother din,” she reveals. Kuwento pa nito, “Nung pictorial pa lang naming, nung pagpunta, naka-ganon… kasi mahilig akong mag-roam around. Tawa sila ng tawa. Tapos sabi ko, puwede na siguro akng maging komedyante. Tawa talaga sila ng tawa.” May nakikitaan naman ba siya ng star quality sa mga contestants? “Yes! In fairness! Meron talaga, like I said, may iba-iba silang karakter,” paglalahad niya. “’Di sila choosy, walang leveling. Kaya nga sabi ko, it’s so refreshing to be surrounded with kids kasi parang walang masamang tinapay, parang everything is ano lang, parang happy-happy, pero makikita mo naman na kapag competition talaga, ok competition talaga. Pero kapag cut ay wala, cut lang din.” Abangan ang pagsisimula ng Amazing Cooking Kids ngayong Sabado, April 16, bago mag-Eat Bulaga on GMA. Pag-usapan si Carmina at ang Amazing Cooking Kids sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!