Celebrity Life

Tekla at anak na si Aira, nag-duet ng ilang kanta sa livestream

By Marah Ruiz

Good vibes ang hatid ng komedyanten at The Boobay and Tekla Show host na si Tekla at kanyang anak na si Aira.

Magkasamang nag-livestream ang dalawa noong December 16 kung saan mapapanood silang nagdu-duet ng ilang mga kanta.

Isang oras at kalahati tumagal ang kanilang livestream kung saan nag-duet ng ilang kanta ang mag-ama.

Mapapanood pa ang video sa Facebook account ni Tekla. Kasalukuyan itong may 2.3 million views, 123K likes, 35K comments, at 10K shares.

Ang unang kinanta nina Tekla at Aira ay "Ikaw at Ako" ng mag-asawang Moira dela Torre at Jason Marvin.

Nanalo ng Awit Award bilang Most Streamed Song in 2019 ang kanta. Bahagi rin ito ng soundtrack ng highest-grossing Filipino film na Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Inawit din nina Tekla at Aira ang "Paubaya," isa pang kanta ni Moira dela Torre.

Nag-ala rocker naman ang mag-ama sa kantang "Narda" ng bandang Kamikazee. Bahagi ito ng album na 'Maharot' na inilabas ng banda noong 2006.

Solo namang kinanta ni Aira ang "Bubbly" ni Colbie Caillat at "A Thousand Miles" ni Vanessa Carlton.

Panoorin ang buong video ng nakaraang livestream ni Tekla at ng kanyang anak na si Aira dito:



Si Aira is ay anak ni Tekla o Romeo Librada sa tunay na buhay, sa dating kasintahan na si Airyn Gonzales.

May isang anak pa si Tekla, si baby Angelo na bunga naman ng relasyon sa dating partner na si Michelle Bana-ag.

Bukod sa sa kanyang Facebook acount, aktibo rin si Tekla sa kanyang official YouTube channel.

Natanggap nila kamakailan ang kanilang YouTube Silver Play Button. Iginagawad ito sa mga channel na nakaani ng 100,000 subscribers.

Para ipagdiwang ang milestone na ito, namigay si Tekla ng Noche Buena package at P500 in cash sa mga nangangailangan.

Ilan sa mga nabiyayayan niya ay ang isang sidewalk vendor, basurero, at delivery rider na kanyang nakilala habang umiikot sa Quezon City.

May joint YouTube channel din si Tekla kasama ang kaibigan at kapwa komedyanteng si Donita Nose.

Tinawag nila itong Donekla in Tandem at napabilang pa sila sa Top 10 'breakout creators' para sa taong 2020.

Silipin ang iba pang 'breakout creators' ng YouTube dito: