
Inamin ni Thea Tolentino na isa sa kanyang mga gustong gawin ngayong 2021 ay ang magbukas ng isang negosyo.
Ibinahagi ito ni Thea sa ginanap na media conference ng romance-fantasy series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe mapapanood siya bilang si Ginger Romano.
Kuwento ni Thea, “Mayroong nakapag-inspire sa akin na mag-venture to business, food business po siya.”
Photo source: theatolentino (IG)
"Magandang opportunity 'yung ibinigay niya sa akin kasi sinasabi niya ituturo niya sa akin talaga bago niya ipa-handle sa akin ang isang franchise ng business."
Inamin rin ng aktres ng The Lost Recipe na hindi pa siya makakapagbigay ng detalye hanggang hindi pa siya nakakasiguro sa mga plano niya sa pagbubukas ng negosyong ito.
“Hindi pa one hundred percent sure pero dahil po sa kanya na-inspire ako na talagang pag-isipin na rin 'yung business, sarili kong business.
Bukod sa plano niyang pagnenegosyo. Isa rin sa mga itinuturing ni Thea na resolution ay ang regular na pagwo-workout para ma-achieve niya umano ang toned na pangangatawan.
Nais rin niyang bigyan ng oras ngayong taon ay ang pagbabasa ng libro at matuto sa mga ito.
“Hopefully marami akong mabasa at matutunan. About life kasi usually 'yung binabasa ko. Mga life lessons, inspiring books.”
Abangan si Thea Tolentino sa The Lost Recipe tuwing 8:00 p.m. sa GMA News TV.
RELATED CONTENT:
'The Lost Recipe' actress Thea Tolentino, mas naging confident dahil sa kontrabida roles
'The Lost Recipe' cast, nagbahagi ng diet tips