What's on TV

'The Lost Recipe' cast, nagbahagi ng diet tips

By Dianara Alegre
Published January 12, 2021 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos, Kelvin Miranda, at Ariella Arida


Ayon sa cast ng 'The Lost Recipe,' consistency, disciplined mind, at self-control ang kailangan sa pagda-diet para ma-achieve ang target physique.

This 2021, ilan sa mga goal ng cast ng upcoming series na The Lost Recipe ang pagpapanatili ng fitness ng kanilang pangangatawan.

Nang makapanayam ng 24 Oras, ibinahagi ng lead star na si Mikee Quintos na gaganap sa role ni Apple Valencia na kabilang sa pagdating sa pagda-diet, kailangan ding ihanda ang sarili mentally.

Mikee Quintos

Source: mikee (Instagram)

“More importantly kailangan i-prepare 'yung sarili mentally. 'Yung sunod na kasi 'yung dieting mas madali nang humindi sa pagkain. You can taste pero hindi mo kailangan ubusin 'yung buong bowl,” aniya.

Sumusunod naman sa intermittent fasting ang leading man ng show na si Kelvin Miranda na gaganap na karakter ni Chef Harvey Napoleon sa serye.

Bukod dito, hindi rin niya umano nakakalimutan ang magpapawis.

“Pagbibisikleta ganyan. 'Yun lang naman sa 'kin. Hindi naman ako masyado strict sa pagda-diet. Kumportable lang talaga ako sa pag-i-intermittent fasting. Basta may self-control ka magagawa mo lahat ng gusto mong gawin hindi lang sa pagkain ganun din sa trabaho,” aniya.

Kelvin Miranda

Source: iamkelvinmiranda (Instagram)

Kabilang din sa cast ang beauty queen na si Ariella Arida at pagdating sa kanyang diet, kumakain lang daw siya ng beef at pork sa tuwing may special occasion.

“Before kasi nag-try din akong tanggalin sa diet ko na sweets hindi ko rin kaya. Naniniwala kasi ako 'yung fitness dapat consistent ka, e. Na-reach mo 'yung target weight mo and then right after that bigla kang nag-binge. Kasi I've been there, e. Consistency talaga,” sabi niya.

Ariella Arida

Source: araaride (Instagram)

Sa susunod na linggo ay balik-taping na ang cast ng bagong serye. Ayon kay Mikee, napanood na raw niya ang teaser plug para rito at lalo siyang na-excite na mapanood na ng publiko ang kanilang proyekto.

“Lalo akong na-excite na mapakita 'yon. 'Yung struggle ng love triangle with Frank and Harvey,” dagdag pa niya.

Bukod kina Mikee, Kelvin, at Ariella, tampok din sa cast sina Paul Salas, Thea Tolentino, Lucho Ayala, Maureen Larrazabal, Almira Muhlach, Sue Prado, Topper Fabregas, Phytos Ramirez, Prince Clemente, Anton Amoncio, Faye Lorenzo, at Crystal Paras.

Kilalanin sila sa gallery na ito:

Ang The Lost Recipe ang isa sa mga bagong handog ng GMA Public Affairs ngayong 2021 at mapapanood na ito simula January 18, 8:00 p.m. sa GMA News TV.

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras DITO.