Celebrity Life

Mimiyuuuh, binilhan ng bagong sasakyan ang ama at ina

By Jansen Ramos

Matapos bumili ng bahay, muling tinupad ng internet sensation at YouTube vlogger na si Mimiyuuuh ang isa na namang pangarap ng kanyang mga magulangùang magkaroon ng sariling sasakyan.

Ayon sa kanyang vlog noong Sabado, January 30, "This vlog is very special kasi bibili na po ako ng aming first ever car kasi, ever since the Lord made me, never po talaga kaming nagka-car.

"Parati kaming nag-aarkila, nakikisabay, o nagga-Grab.

"I mean, kumikita na rin po ako so after house, we'll gonna have some car."

Isang 10-seater na Toyota Hiace Super Grandia Elite ang napiling bilhin ni Mimiyuuuh na perfect kapag nais nilang umuwi sa kanilang probinsya sa Batangas at Bicol.

Hindi namang napigilang maging emosyonal ng ina at ama ng viral vlogger matapos niyang sorpresahin ng bagong sasakyan ang kanyang mga magulang.

Sambit ni Mimiyuuuh, "So ito po ang first time ever nila inay, saka kaming family na magkaroon ng car so super special itong araw na ito sa 'min [dahil naibigay ko na to them ang comfort na kailangan ng parents ko.]

"So I'm proud of myself, I'm the best daughter in this town sa aming magkakapatid.

"Sorry ako talaga."

Ani Mimiyuuuh, sana raw ay maraming tao ang na-inspire sa kanyang vlog na abutin ang kanilang mga pangarap.

Payo niya, "Do the best that you can to make your parents and family's lives better."

Panoorin ang buong vlog dito:

Samantala, nag-react si Mimiyuuuh sa isang screenshot na naglalaman ng komento ng isang netizen sa article ng GMA News tungkol sa pagbili niya ng sasakyan.

Kinondena ng nasabing netizen ang pag-address kay Mimiyuuuh, proud member ng LGBTQIA+ community, sa article bilang "daughter" o anak na babae.

Sulat nito, "Daughter? Seriously GMA? Please don't get me wrong. Sana hindi rin ma-offend 'yung iba but please address a person in a right way."

Ayon sa tweet ni Mimiyuuuh, wala naman isyu sa kanya kung tawagin mang siyang "son" o "daughter" basta raw ay may kotse.

Sulat niya, "GMA addressed me based sa sinabi ko po sa vlog and I don't really care if you call me son either. Basta may kotse na ko. TAGOS! (nail polish, t-rex, and woman tipping hand emojis)"

Sa kasunod niyang tweet, matapang niyang ipinahayag ang kanyang suporta sa LGBTQIA+ community.

Saad niya,"ALL THE PEOPLE COMMENTING HATE SA ARTICLE CAN'T ACCEPT THE FACT THAT GAYS ARE WINNING! SANA MAGKAKOTSHE PO KAYO SA PAGCOCOMMENT NIYO NG GANYAN! (hugging face, clapping hands sign, purple heart, woman tipping hand, nail polish, collision symbol, and eyes emojis)"

Nakilala si Mimiyuuh, o Jeremy Sancebuche sa totoong buhay, nang mag-viral sa social media ang kanyang "Dalagang Pilipina" dance video na ginaya ng maraming celebrities.

Umani ito ng milyung-milyong views at na-feature pa sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong 2019.

Ginamit niya ang kanyang kasikatan para magsimula ng kanyang sariling YouTube channel.

Sa ngayon, mayroon na siyang 3.83 milliion subscribers sa kanyang channel.

Dahil sa kanyang humor, kinuha rin ng ilang brand si Mimiyuuuh para maging endorser at nagkaroon ng iba't ibang guest appearances sa TV at events kung saan niya nakasama ang ilang mabibigat na artista.

Tingnan ang mga larawan ni Mimiyuuuh kasama ang ilang celebrities dito: