advertisement
Celebrity Life

LOOK: Mga Pinoy non-celebrities na nag-trending dahil kamukha ng mga international stars

1 of 10

Gong Yoo

Inupload ni Eriel Pangan Mendoza ang ka-lookalike ni Gong Yoo sa Facebook. Nasa trabaho pa nga ang Gong Yoo Philippines na si Michael Cordova noong malaman niyang nag-viral na pala ang picture niya.

2 of 10

Michael Cordova

Nang sumikat ang Train To Busan sa Pilipinas, doon daw nagsimula na marami na ang nakakapansin na magkamukha si Michael at si Gong Yoo. Ngayon, naging print ad model na ng KFC si Michael dahil sa similar features nila ni Gong Yoo.

3 of 10

Jun Ji Hyun

Marami ang nakakapansin ng pagkakahawig ni Lisette Bendicion sa Korean actress na si Jun Ji Hyun. Si Jun Ji Hyun ay sumikat sa kanyang movie na My Sassy Girl. Siya rin ang nag-portray kay Steffi Cheon (also known as Cheon Song Yi) sa original version ng My Love From The Star.

advertisement
4 of 10

Lisette Bendicion

Isang 21-year-old model si Lisette Bendicion. Kapansin-pansin ang pagkakahawig nila ni Jun Ji Hyun, lalo na kanilang mga mata.

5 of 10

Selena Gomez

Maraming netizens ang nakapansin na may resemblance si Leila Alcasid at ang pop star na si Selena Gomez.

6 of 10

Leila Alcasid

Si Leila ay ang panganay na anak ni Ogie Alcasid sa dati niyang asawa, ang former beauty queen na si Michelle van Eimeren. Mapapansin na magkapareho ng vibe si Leila at si Selana, lalo na sa mga selfie ng dalaga.

advertisement
7 of 10

Chloe Grace Moretz

Nakilala si Edcell Ched dahil sa kanyang pagkakahawig sa American Hollywood actress-model na si Chloe Grace Moretz. Si Chloe na nga mismo ang nag-agree na magkamukha nga sila ni Edcell sa isang tweet niya noon. Ani ni Chloe, "WHOAAAA we look very [a]like."

8 of 10

Edcell Ched

Isang Jollibee employee si Edcell na nag-viral dahil sa similarities niya sa aktres. Ang brand pa nga mismo ang nagbigay kay Edcell ng makeover, at naging pansamantalang digital promotions model ng brand.

9 of 10

 Vic Zhou

Nang mag-viral si Jeyrick Sigmaton, na nakilala bilang si "Carrot Man," agad namang napansin ng netizens na maraming sikat na artistang kahawig ang binata. Isa na dito ang Meteor Garden star na si Vic Zhou.

advertisement
10 of 10

Jeyrick Sigmaton

Si Jeyrick ay isang Igorot from Cordillera. Nagtratrabaho sa isang carrot farm sa Bauko, Monamon Sur, Mountain Province ang binata. Malaki ang nagbago sa buhay ni Jeyrick noong naging internet sensation siya. Naging brand endorser din siya Boardwalk Philippines.