Celebrity Life

Beth Tamayo, binalikan ang kuwento ng biglaan niyang pag-alis ng Pilipinas

By Maine Aquino

Binalikan ni Beth Tamayo ang biglaan niyang pag-iwan sa kanyang showbiz career at ng kanyang pamilya noong 2009.

Ayon kay Beth, nangyari ang kanyang pag-alis noong siya ay kasal pa sa kanyang ex-husband na si Johnny Wong. Ayon sa mga balita, pag-alis nila ng bansa ay hindi na sila nagsama sa isang lugar at pinili na nilang maghiwalay.

Kuwento ni Beth sa Just In financial problem ang naging sanhi ng kanilang pag-alis ng Pilipinas, “Hindi naman natin idi-deny 'yan. It's been in the news or whatever, my ex-husband before had a problem; financial problem.”

Inamin ni Beth na nanganib na ang kanilang buhay kaya nagdesisyon sila na umalis ng bansa at lisanin niya ang kanyang buhay artista at ang kanyang pamilya.

“So parang dami na ng taong naghahabol sa kanya and parang our lives are actually in danger na. We had to leave. We had to leave in 2009.”

Sa interview ng Just In host na si Paolo Contis, ibinahagi ni Beth ang kanyang naging buhay nang mag-isa sa Amerika. Ayon kay Beth iba't ibang trabaho ang kanyang tinanggap para maka-survive.

Pag-amin pa niya, dahil sa pag-arte ang nakasanayan niyang trabaho ay nahirapan siyang mag-adjust sa Amerika.

Photo source: bethtamayo21 (IG)

“Ang hirap magsimula from nowhere buti na lang kamo pinilit ko matapos 'yung college degree ko. I had a bachelor's degree so that's one thing. Kahit saan ka magpunta, it will help you in a way in looking for a job. Although hindi rin naman madali.”

Ibinahagi ng dating aktres ang mga klase ng trabaho na kanyang mga ginawa noong nagsisimula pa lamang siya sa Amerika.

Ani Beth, “Ang buhay Amerika hindi naman talaga madali. My first job in New York, I was a babysitter for a Colombian family. I worked as a cashier sa Victoria's Secret store sa New York. The hustle of living on your own, and trying to make money, ang hirap kaya!”

Bukod rito, pinasok rin ni Beth ang hospitality industry.

“Nag-waiter ako sa New York, I was a server and a maître d'. A maître d' is parang receptionist or I'm the one sitting you, ako mag-a-arrange ng mga table, whatever.”

Nang magsimula na siyang pumasok sa opisina, sa gabi ay may trabaho pa rin siya sa isang restaurant.

“Magtatrabaho ako ng eight in the morning until five o'clock sa office and then tatakbo ako sa second job ko 'cause I have a six in the evening up to closing which is sometimes 12-midnight sa restaurant.”

Kahit mahirap ay nagustuhan na rin ni Beth ang kanyang buhay sa Amerika dahil sa mga natutunan niya rito. Saad nito, “Siguro nagustuhan ko na rin. Siguro I didn't like the fact na napalayo ako sa pamilya ko but it's a humbling experience actually moving to America and just having a normal life. Wala kang katulong, wala kang driver, ikaw lahat, ikaw naglalaba. You have to look for another job.”

Nagtatrabaho na ngayon si Beth sa isang kompanya sa San Francisco bilang isang executive assistant. Engaged na rin si Beth ngayon kay Adam Hutchinson.

Panoorin ang kuwento ni Beth sa Just In.

Samantala, narito ang ilang celebrities na napiling manirahan abroad:



RELATED CONTENT:

IN PHOTOS: How Pinoy celebrities abroad deal with COVID-19 crisis