Sa sipag at tiyaga ay nakapagpatayo ng ilang restaurants, schools, cooperative, at iba pa si Chef Boy Logro. Silipin natin ang mga bunga ng kanyang pagsisikap sa gallery na ito.
Sa isang post ay may ipinasilip si Chef Boy na bagong kaabang-abang na proyekto. Aniya, "My apo nag-enjoy sa aking Farm sa Ranzo de logro soon to open!"
"Marami pong nag-aaral. Sabi ko nga, 'yung lugar ko hindi magandang location. Para siyang bundok pero ang dami pong nag-aaral. May Americano pa nga kaya nagno-nose bleed ako araw-araw. I'm so blessed kasi 'yung eskuwelahan, kahit ganun, siguro dahil sa turo or 'yung heart-to-heart, working with the chef, 'yun po ang ginagawa ko."
Hindi lang isang celebrity chef si Chef Boy Logro dahil ibinabahagi niya ang kanyang kaalaman sa tatlong culinary schools na kanyang ipinatayo. Aniya, "May school ako na tatlo na - Davao, isa dito, one in Cavite. Dito, Manila Culinary Hospitality Academy. Sa Davao, CLICKS (Chef Logro's Institute of Culinary and Kitchen Services). Sa Cavite, CLICKS din."
Bukod sa kanyang restaurant na 7 Flavors buffet sa San Juan ay mayroon rin siyang restaurant na ipapatayo sa Davao. Kuwento ni Chef Boy, "I have two right now. One in Cavite but I have to transfer to Davao, kasi [doon] may sarili akong lupa."
Mayroon ring ipinatayo na water refilling station si Chef Boy.
Sa Laak, Compostela Valley ay mayroong cooperative na itinayo si Chef Boy.
Nakapagpatayo rin si Chef Boy ng kanyang chapel sa Compostela Valley.
Ito ay matatagpuan sa Purok-3 Bagong Silang, Barangay Langtud sa Laak, Compostela Valley.
Ito ay matatagpuan sa Purok-3 Bagong Silang, Barangay Langtud sa Laak, Compostela Valley.
"I have buses, I have my car, I think 10 cars na ako sa Davao."
Para kay Chef Boy, posibleng makamit ang lahat ng pinapangarap kung magsisikap lamang. Kuwento niya, "At 61, I'm still okay at mabilis akong kumilos kasi nasanay akong kumilos. Dapat kasi 'pag umaasenso ka, the more na magtatrabaho ka para hindi ka manghihina. 'Pag tayo, [masakit] wala na, kasi 'di napaparactice. Ako po, inisip ko na workaholic ako so I have to do it. I'm so blessed naman binigyan ako ng lakas ng Panginoon."