advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Ang mga lalaki sa buhay ni Megastar Sharon Cuneta

1 of 10

Gabby Concepcion

Throwback kung throwback! Ilang beses man nag-break ang dating nakakakilig na love team noong 80's, humantong ang kanilang relasyon sa altar at nagkaroon sila ng anak, ang aktres na si KC Concepcion. Tatlong taon lang tumagal ang relasyon ng dalawa at nauwi rin ito sa annulment noong 1993.

2 of 10

Francis Pangilinan

Nakilala ng beteranang actress-singer ang kanyang asawa senador sa kasal ng kanyang kapatid. Makalipas ang dalawang taong ligawan, nagpakasal siya kay Kiko noong 1996 at may tatlong anak na sina Frankie, Miel, and Miguel.

3 of 10

Robin Padilla

Nakapareha naman ni Shawie ang Bad Boy of Philippine Cinema sa 'Maging Sino Ka Man' noong 1991. Ibinunyag ng batikang singer sa kanyang concert na muntik niya nang pakasalan ang action star kung hindi siya nakabuntis.

advertisement
4 of 10

Richard Gomez

Kung kailan ay hindi na mag-on ang dating celebrity couple, doon pa sila nabigyan ng mga proyekto para magtambal. Ayon sa mga reports, ni-reveal ni Mega na talagang na-heartbroken siya noong naghiwalay sila ni Goma.

5 of 10

Aga Muhlach

Noong 2003 first time nakapareha ni Sharon ang matinee idol sa 'Kung Ako Na Lang Sana.'

6 of 10

Fernando Poe, Jr.

Napanatili ng reyna ng box-office ang kanyang status noong makatrabaho niya si Da King sa 'Kahit Konting Pagtingin' noong 1990.

advertisement
7 of 10

Ogie Alcasid & Gary Valenciano

Naging makabuluhan naman sa kanyang singing career ang pagko-collaborate niya kina The Songwriter at Mr. Pure Energy.

8 of 10

Chet Cuneta

Alam niyo bang siya lang ang nag-iisang full sibling ng Megastar?

9 of 10

Miguel Pangilinan

Napaka-cute ng kanyang seven-year-old adopted son.

advertisement
10 of 10

Pablo Cuneta

Nami-miss na ni Shawie ang kanyang yumaong ama na dating mayor ng Manila. Siyempre, siya ang first love ng Megastar!