Celebrity Life

Jak Roberto ticks off another item on his bucket list

By Dianara Alegre

Isa na namang achievement ang naabot ni Kapuso hunk Jak Roberto dahil sa wakas ay natupad na niya ang pangarap niyang magkaroon ng sariling lupa.

Sa in-upload niyang vlog nitong Biyernes, April 16, ipinakita ng aktor sa kanyang followers ang lote na kanyang nabili.

Aniya, malapit ito sa bahay ng kapatid niyang si Sanya Lopez.

Source: Jak Roberto YouTube channel

“Bumili na po ako ng lupa, finally, and today po 'yung transaction namin. Naayos ko na rin sa bangko kahapon.

"Ganun pala 'yun 'no, kapag bibili ka kailangan mo muna i-meet 'yung seller through broker,” aniya.

Kwento pa ni Jak, “'Yung broker ko, nagpapahanap ako ng lupa, then, may nakita siya dun lang din sa lugar ni Sanya.

"Then, nung nakita niya na 'yon in-advise niya 'ko then after no'n nag-request ako ng meeting dun sa seller kung malinis 'yung papel and walang problema.”

Bukod sa pangarap niyang makabili ng lupa, ipinaliwanag din ni Jak ang iba pang dahiln niya kung bakit siya nag-invest dito.

“Bakit nga ba ako sa lote nag-invest? Kasi, alam naman nating lahat na mas maganda mag-invest sa lupa dahil tumataas 'yung value.

“Nag-invest ako sa lupa kasi matagal ko nang pangarap 'yon.

"Lahat naman tayo nangangarap na magkaroon ng property.

"Isa 'to sa mga nasa bucket list ko na someday uunahin ko talaga kumuha ng lupa and magbi-build ako ng sarili kong bahay.

"Gusto ko ako talaga 'yung magpapatayo,” sabi pa niya.

Nabanggit din ni Jak na naging motivation ang pinagdaanan nila noon ng kapatid niyang si Sanya.

"Big achievement 'to para sa akin, Parang noong na-feel mo noong nakuha mo ang bahay mo," sabi ni Jak sa nakababatang kapatid.

"Kasi, parang ang tagal din nating nagpalipat-lipat since noong namatay si daddy.

"Palipat-lipat kami sa Bulacan at saka Laguna.

"Wala talaga kaming property, bukod dun sa naiwan ni daddy, ganun kalaking achievement ito sa amin."

Source: Jak Roberto YouTube channel

Ayon sa aktor, ang ipinambili niya sa lote ay mula sa kinita niya mula sa endorsement na natanggap niya sa gitna ng pandemic at sa mga na-monetize niyang vlogs sa YouTube.

“Sobrang thankful ako sa lahat ng nagta-trust sa 'kin, especially sa mga naging endorsement ko during this time of pandemic. Blessings in disguise.

“Nagkaroon po tayo ng endorsements and dun po nanggaling 'yung ipon ko dito pati na rin siyempre sa mga na-monetize ko sa YouTube,” aniya.

Dahil dito, taos-pusong nagpasalamat si Jak sa mga trabahong natanggap niya gayundin sa kanyang subscribers at viewers sa streaming platform.

“Maraming-maraming salamat po sa walang sawang suporta n'yo sa 'kin. Kasama po kayo sa lahat ng success ko,” aniya pa.

Silipin ang binili niyang lote sa video sa ibaba:

Samantala, narito ang ilang celebrities na nagpagawa ng bahay habang may quarantine: