Celebrity Life

Dianne Medina, Rodjun Cruz may bagong lote sa Alfonso, Cavite

By Jansen Ramos

Ilang araw matapos ilunsad ang kanilang family business na CruzFit, isang sportswear store, ipinakita ng actress/TV host na si Dianne Medina sa Instagram ang new investment nila ng kanyang asawang si Rodjun Cruz.

Ibinahagi ni Dianne na bumili sila ng isang farm lot sa isang real estate sa Alfonso, Cavite. Sa kanyang post, makikita ang kanilang larawan ni Rodjun na nakatayo sa hindi pa developed na lote.

Sulat ni Dianne, "This is our Farm Lot in Alfonso Cavite. Sa panahon ngayon importanteng marunong tayo dapat mag-ipon, invest at kung saan maganda ilagay ang pera natin.

"This is all pure hard work and team work. I wanna thank the Lord for this blessing."

Sa post, nag-alok din ng financial advice si Dianne sa mga nais makakuha ng tips pagdating sa pag-i-invest.

Dugtong niya, "To be able to give back gusto ko rin makatulong sa iba if you want advice, tips on how you can handle your money really well at kung paano at saan ba maganda mag-invest.

"If you're interested my line is open anytime, message me at 09674314069."

Maliban kina Dianne at Rodjun, ilan lamang sina Bea Alonzo, Neri Naig-Miranda at Isabel Rivas ang nag-invest sa farmlands para pagkakitaan.

Kung negosyo ang kanilang layunin sa pagde-develop ng farm, ang mga celebrities naman na ito ay ginagawang hobby ang farming and gardening ngayong COVID-19 quarantine.

Kilalanin sila rito: