Celebrity Life

'Babawiin Ko Ang Lahat' actress Jenine Desiderio, nagluksa nang namatay ang alagang shih tzu

By Aedrianne Acar

Mga fur parents ang bidang choices sa hit segment ng Eat Bulaga na Bawal Judgmental ngayong Martes ng hapon, April 27.

At ilan sa mga ito ang mga iniidolo nating Kapuso celebrities tulad nina Khalil Ramos, Yasmien Kurdi, Kiray Celis, Jenine Desiderio, at Rochelle Pangilinan.

Isa sa mga tinalakay sa Bawal Judgmental ay kung gaano kasakit ang mawalan ng alagang hayop.

Isa sa mga nagbahagi ng kanyang painful experience nang mamatay ang kanyang pet ay si Jenine Desiderio.

Kuwento ng Babawiin Ko Ang Lahat actress kina Jose Manalo at Maine Mendoza na labis ang lungkot niya nang pumanaw ang kanyang shih tzu na mahigit eight years niyang nakapiling.

“Mayroon akong shih tzu for eight and half years, katabi ko siyang matulog. Kahit saan ako magpunta, kasama ko siya, pero 'yun noong namatay, sobrang sakit din talaga.”

Dagdag pa ng versatile actress na nag-decide siya na ipa-cremate ang labi ng kanyang fur baby.

“Parang ayoko na mag-alaga ng kahit anong pet.

“Naka-urn nga siya, pina-cremate ko siya hanggang ngayon nasa ibabaw siya ng piano namin.”

Ganoon din ang sentemyento ng Owe My Love star na si Kiray Celis nang maranasan din mawalan ng alaga.

Naihalintulad pa niya ang naging pagluluksa na parang namatayan siya ng isang kapamilya o kaibigan.

Wika niya, “Ang hirap Kuya Jose [Manalo] kasi 'yung alagang aso or 'yung mga pets, para silang mga tao 'pag nawawala. Ang sakit!”

“Parang durog na durog ka, para kang nauubos 'yung puso mo, 'yung damdamin mo nakaka-drain.

“Every time kapag naalala ko 'yung namatay kong aso, makita ko lang 'yung damit naiiyak na ako agad.”

Heto at silipin ang ilan sa pinaka-popular na celebrity pets sa Instagram sa gallery below.