TV

'Pop Talk' moves to a new timeslot starting this Saturday, May 1

By Bong Godinez

New timeslot, more exciting food, and fun adventures!

Iyan ang dapat abangan sa paboritong long-running lifestyle show na Pop Talk kasama si Tonipet Gaba.

Simula ngayong Sabado, May 1, ay mapapanood na ang Pop Talk sa bago nitong oras na 9:50 p.m. sa GTV.

Hataw agad ang upcoming episode dahil makakasama ng programa ang hot na hot na tandem nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ng hit romance-fantasy series na The Lost Recipe.

Makipagkuwentuhan kasama sina Mikee at Kelvin at tuklasin ang mga destination places na naging setting ng mga eksena na napanood natin sa The Lost Recipe.

Ano kaya ang masasabi ng dalawa sa mga taping locations na ito? Meron kaya silang mga hindi malilimutang memories o 'di kaya ay nakakakilig na kuwento?

Take note at baka someday ay madalaw mo rin ang mga taping locations na ito para sa ultimate TLR experience.

Samantala, bibisitahin din ng programa ang mga pop na pop na lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao kasama ang Palawan, Bohol, at Zamboanga del Norte.

Kaya huwag palampasin ang masaya at very informative na episode ng Pop Talk itong darating na Sabado.

Excited to see Mikee at Kelvin? Tingnan muna ang ilang sweet na sweet na pictures ng dalawa sa nakakakilig na gallery na ito: