GMA Logo Jong Madaliday
Celebrity Life

Jong Madaliday, sinimulan nang ipatayo ang kanyang dream house

By Dianara Alegre
Published May 15, 2021 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: PrimeWater to be held liable if proven at fault
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Jong Madaliday


Ipinakita ni Jong Madaliday sa kanyang followers ang development ng ipinatatayo niyang bahay.

Masayang ibinahagi ni Kapuso singer at The Clash alum Jong Madaliday na sinimulan na niya ang pagpapatayo ng kanyang dream house.

Ipinost din ni Jong ang development nito sa social media.

Aniya, “Dreams don't work unless you take action. Worth it lahat ng pagod at hirap. Paonti-onti lang.”

Jong Madaliday

Source: jongmadaliday (Instagram)

Sa panayam ng GMANetwork.com, sinabi ng singer na simpleng bahay lang ang ipatatayo niya para sa kanyang pamilya.

“Simpleng bahay lang, 1-story house. Ang unang plano ko sana half-concrete lang kasi baka 'di pa kaya, pero sabi ko all out ko na 'to samahan na lang ng dasal at nawa'y makaya ko at matatapos ko 'yong bahay,” aniya.

Bagamat bago pa lang sa industriya, unti-unti nang natatamo ni Jong ang kanyang mga pangarap para sa sarili at pamilya kaya taos-puso ang pasasalamat niya sa mga biyayang natatanggap niya, gayundin sa suporta ng kanyang fans.

“Unang-una nagpapasalamat ako kay Allah sa mga blessings na dumarating sa 'kin ngayon, sa pamilya ko na walang-sawang gumagabay sa mga desisyong ginagawa ko, at siyempre sa mga fans ko na kundi dahil sa kanila ay 'di ko matatamasa ang lahat ng ito.

“Dahil ito sa suporta at pagmamahal nila na binibigay sa talentong nilalatag ko. Lubos akong nagpapasalamat at sobrang masaya na paunti-unti ito na, maipapatayo ko na ang simpleng bahay na nasa isip ko lang noon na pinapatayo,” aniya pa.

Jong Madaliday

Source: jongmadaliday (Instagram)

Samantala, kamakailan ay ini-release ni Jong ang kanyang acoustic cover sa hit songs ni Justin Bieber na “Peaches” at “Lonely” na kinagiliwan at pinuri ng fans.

Una rito, hinangaan din ng publiko, kabilang na ang Fil-Am artist na si Bella Porch, ang cover niya ang awiting “Kanlungan” ni Noel Cabangon.

@jongmadaliday

Hello mga batang 90's

♬ Kanlungan - Jong Madaliday

Bella Poarch nag react sa song cover ni Jong Madaliday ng Kanlungan

Source: jongmadaliday (Instagram)

Dahil dito, sinabi ni Jong na na-a-appreciate niya ang lahat ng mga papuring natatanggap niya mula sa publiko.

“Sobrang grateful sa mga taong patuloy na sumusuporta at naniniwala pa rin sa talentong pinagkaloob sakin.

“Kahit 'di ko man na-e-express pero sa pamilya at mga fans na nandyan pa rin sa simula ng laban ko hanggang ngayon, sobra ko pong na-a-appreciate lahat-lahat ng suporta.

“Again kundi dahil sa inyo, sa pagpapaingay ng mga videos na trip ko lang i-post sa socmed na wala naman akong iniisip o intensyon na sana mag-click o mag-viral, basta ako post lang nang post lalo na 'pag walang magawa gawa nga nitong pandemic na super lockdown,” sabi pa niya.

Samantala, gaya ng marami, musika rin ang isa sa mga naging instrument ni Jong para malampasan ang iba't ibang epekto ng pandemya sa kanya.

“Itinawid ako ng musika sa nakakabaliw na panahon na ito at sana ganun din ang dating sa mga taong nanonood at nakikinig sa musika ko,” aniya.

Jong Madaliday

Source: jongmadaliday (Instagram)

Jong Madaliday reaches 500k subscribers on YouTube

Jong Madaliday celebrates his Facebook and TikTok achievements