Celebrity Life

Leo Martinez, bakunado na laban sa COVID-19

By Cherry Sun

Ibinahagi ng beteranong aktor na si Leo Martinez na siya ay fully vaccinated na upang hikayatin ang mga tao na magpabakuna na rin laban sa COVID-19.

“Fully vaccinated na ang Lolo Badong n'yo,” masayang iniulat ng aktor na gumaganap sa Kapuso rom-com series na Owe My Love.

Kasama ng kanyang update ang kanyang mga larawan at pati na papuri para sa maayos na administration ng COVID-19 vaccine. Hiling din daw niya ay sana mas marami pa ang mabakunahan laban sa kinatatakutang novel coronavirus.

“Maraming salamat kay Mayor Marcy Teodoro at sa Marikina City para sa napaka bilis at maayos na proseso! Dumating kami ng 8am at natapos ng 8:30am. Ang dasal ko ay ma-vaccinate na tayong lahat soon para pwede na tayo magkita-kita!”

Maliban kay Leo, ilang mga Kapuso stars na rin ang napabilang sa celebrities na nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19:


Magbasa rin tungkol sa COVID-19 vaccines dito.