Celebrity Life

Rocco Nacino at Melissa Gohing, magpapatayo ng vacation house sa Tagaytay

By Cherry Sun

Unti-unti nang naaabot ni Rocco Nacino at asawang si Melissa Gohing ang kanilang dream vacation home ngayong nakabili na sila ng lote sa Tagaytay.

Ikinasal sina Rocco at Melissa sa isang military-style wedding noong January 20, 2021:

Simula noon ay nagsama na sila sa Antipolo mansion ng Kapuso actor:

Hindi pa fully furnished ang kanilang tahanan, pero handa na ang mag-asawang magpursige para sa isa naman nilang pangarap.

Ibinahagi ni Rocco na nabili na nila ang lote sa Tagaytay kung saan balak nilang itayo ang kanilang bahay-bakasyunan.

“Teamwork makes the Dream work. On this site will stand Casa Nacino! Can't wait to build this dream vacation project of ours mi amor @gohingmelissa! Another blessing from the Lord, and the fruit of hard work.

“May this inspire those who are currently frustrated with work and life to continue to work hard and reach for your dreams. Let all negativity be the fuel for your motivation to strive hard and achieve what you want in life! Claim it!”

Maliban kina Rocco at Melissa, ilang celebrities din ang nagpapatayo ng kanilang bahay ngayon katulad nina Camille Prats, Jillian Ward, at Chynna Ortaleza: