GMA Logo ryzza mae dizon
Celebrity Life

Ryzza Mae Dizon turns 16

By Jansen Ramos
Published June 12, 2021 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

ryzza mae dizon


Happy birthday, Ryzza Mae!

Ipinadiriwang ng dating child star at Eat Bulaga Dabarkad na si Ryzza Mae Dizon ang kanyang 16th birthday ngayong araw, June 12.

"Officially 16!! pero yung height pang 6," biro niyang sulat sa kanyang Instagram post.

A post shared by Ryzza Mae Dizon (@ryzzamaedizon_)

Sa comments section ng post ni Ryzza Mae, nagpaabot ng pagbati ang kapwa niya Eat Bulaga Dabarkads na sina Paolo Ballesteros at Baeby Baste, at Kapuso actors na sina Rocco Nacino at Ruru Madrid.

Celebrities greet Ryzza Mae Dizon on her birthday

Nakilala si Ryzza Mae nang sumali siya at manalo sa "Little Miss Philippines," ang popular na kiddie pageant ng Eat Bulaga, noong 2012 sa edad na seven years old.

Mula noon, naging regular na host na si Ryzza Mae ng longest-running noontime show.

Nagkaroon pa ng sariling show noon sa ang ngayo'y dalagita, ang They Ryzza Mae Show, kung saan itinuring siyang pinabatang TV host.

Mula 2012 hanggang ngayon ay aktibo si Ryzza Mae sa showbiz kaya naman sa murang edad ay nakapagpatayo na siya ng bahay para sa kanyang pamilya.

Tingnan ang three-story house ni Ryzza Mae dito: