Celebrity Life

Renee Hampshire aka Ate Glow, hindi pinagsisihan ang pagpapa-gender reassignment surgery

By Jansen Ramos

Maglilimang taon nang kasal ang sikat na impressionist ng dating pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo na si Ate Glow, ipinanganak na Rene Boy Facunla, sa kanyang British husband.

Kwento ni Ate Glow, o kilala na ngayong Renee Hampshire, sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga, nakaa-apat siyang boyfriend na puro European bago niya nakilala ang kanyang ngayo'y asawa.

"Na-engage na rin ako before. Naikuwento ko pa d'yan dati sa GMA kaso naudlot. Natutunan ko dapat pala huwag chumi-chika, 'yung iba nauudlot," bahagi ni Ate Glow.

Ayon pa kay Ate Glow, hindi lang pag-ibig ang dahilan ng kanyang paglisan sa entertainment industry.

"No'ng time na 'yun, busy-ng-busy pa rin tayo sa shows no'n pero sa ikalabingdalawang taon ko na, o ikalabingtatlo, kasi I was in showbiz for almost 15 years, no'ng time na 'yon parang naghahanap na ko ng iba."

Dito raw napagtanto ni Ate Glow na sumailaim sa gender reassignment surgery para maging isang ganap na babae.

"Parang I want to do transition kasi nag-aalangan ako sa sarili ko baka late na kasi 32 na ko no'ng time na 'yun tapos sa Pilipinas walang gender clinic.

"So, at that time, I needed medical intervention. Gusto ko sana mayroon akong makausap na psychologist para malaman ko kung anong tamang gawin sa pagta-transisiton.

"Nagkataon nga no'ng time naman na 'yun nagkaroon ako ng series of shows para sa Filipino communities abroad sa Italy, sa Spain, sa France, sa Ireland tapos 'di pa ko nagta-transtion, meron nang tumitingin sa 'kin," nakangiting kuwento ni Ate Glow.

Hindi naman pinagsisihan ni Ate Glow ang desisyong maging trans woman dahil nakaramdam siya ng satisfaction dito.

"Sasabihin ko sa sarili ko well done at hindi ka natakot kasi it's never too late to be whatever you want to be. Wala namang tamang panahon kung 'di ngayon. Kung 'di mo pa gagawin ngayon, kailan pa?"

Ibinahagi rin ni Ate Glow ang kanyang karanasan bilang buhay may asawa sa London.

Aniya, "Magkasamang saya, may kasamang mga challenges kasi ang buhay naman, hindi naman 'yan fairytale.

"Ngayon I just turned 40, 'yung asawa ko rin 41 na, 'yung approach namin sa buhay hindi 'yun idealistic e.

"We know we have to be pragmatic. alam natin ang relationship 'di natin 'yan sinu-sugarcoat.

"You have to work hard on this kasi wala namang ibang pwedeng sisihin kung 'di nagwo-work 'yung relationship namin, kung 'di kaming dalawa.

"Bilang mag-asawa, hinahayaan namin na mag-grow kami kasi we are a team together as one but we know that we're two different entities.

"Surrender, alam mo 'yun. may mga bagay na 'di ko na lang pinilipit tulad ng pagkaing Pilipino na karamihan ay hindi niya talaga gusto."

Ikinasal si Ate Glow sa kanyang British husband noong July 2016 sa Chelsea Town Hall sa London.

Balikan ang kanilang simple wedding dito: