Celebrity Life

SexBomb Girls Rochelle Pangilinan at Aira Bermudez, kumasa sa 'Halukay Ube Challenge'

By Nherz Almo

Walang pa ring kakupas-kupas sa pagsasayaw ang original members ng SexBomb Girls.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang TikTok account, naipapakita pa rin ng mga dating miyembro ng kilalang female dance group ang kanilang husay sa pagsasayaw.

Kabilang dito ang dating leader ng grupo na si Rochelle Pangilinan at Aira Bermudez, na parehong kumasa sa bagong "Halukay Ube Dance Challenge."

"Hay naku! Wag n'yo ko hinahamon!" sabi ni Rochelle nang gawin niya ang dance challenge gamit ang remix ng isa sa mga popular nilang kanta, ang "Halukay Ube."

Panoorin ang hataw na pagsayaw ni SexBomb Rochelle:

@rocsolinap

Uy may bago!!! 😁##halukayubexanswerthephome ##halukayubechellenge ##halukayubedccollab

♬ Answer the phone x Halukay ube - DJ

Bago si Rochelle, na una na si SexBomb Aira na gawin ang challenge na ito at todo-bigay rin sa pagsayaw:

@airabermudez

Sexbomb Pasok!!! awww!!! dc @@danjaztindolores2

♬ Answer the phone x Halukay ube - DJ

Narito pa ang isang version ni Aira sa challenge na ito:

@airabermudez

Wearing "Amaze Plaid Sweatshirt" by Amazing Playground ##Amaze ##HalukayUbe ##foryoupage

♬ Answer the phone x Halukay ube - DJ

Ang "Halukay Ube" ay isa sa mga kanta sa ikatlong album ng SexBomb Girls na Bomb Thr3at, na ini-release noong 2004 at nagkamit ng dalawang platinum awards.

Bukod kina Rochelle at Aira, aktibo rin sa pag-e-entertain sa kanilang fans, sa pamamagitan ng pagsasayaw, ang iba pang dating miyembro ng SexBomb Girls tulad nina Weng Ibarra, Che-Che Tolentino, at Izzy Trazona-Aragon.

@wengibarra

Ayan na po ang isa nyong request bago ako mag laba😂😂 ##bakitpapa ##bakitpapadancechallenge ##fyp ##foryou ##foryoupage ##trending ##tiktok ##comedy ##funny

♬ original sound - Rochelle Pangilinan
@chechetolentino03

Happy Birthday to me🤗 ##bartender ##credittoDc ##3daycelebration

♬ Bartender - yukia🤎
@izzytrazona_aragon

grabe chelle!! @rocsolinap nanghina na ako kakatawa!!! ##preciousfriends

♬ Vibe Check XavierDaProducer - @XavierDaProducer

Samantala, tingnan ang SexBomb Girls na certified mommies na ngayon: