Celebrity Life

Jopay Paguia, nangungulila sa pagkamatay ng alagang aso na si Kobe

By Aedrianne Acar

Nagdadalamhati ang fur mom na si Jopay Paguia sa pagkamatay ng kanyang aso na nasa kanyang pangangalaga ng 14 na taon.

Kitang-kita sa Instagram post ng former SexBomb dancer ang labis na pangungulila niya kay Kobe na inilarawan niya ito na “sweet” at "super clingy."

Saad ni Jopay sa kanyang post, “Yesterday morning our fur baby Kobe passed away. Kobe is 14yrs old. He is sweet and super clingy. Isa siya sa pinaka panganay naming Aso. Salamat Kobe sa matiwasay mong pag panaw. Run free my darling, mommy and daddy [love] you so much. ️

“Our pets never really leave us. They live on in memories of the love and devotion they gave us.”

Marami naman ang nagpaabot ng mensahe kay Jopay at sa asawa niyang si Joshua Zamora.

Heto at kilalanin ang ilan sa adorable pets ng paborito ninyong celebrities sa gallery below.