LOOK: Sweetest photos of Jake Vargas and Inah de Belen

On-screen partners turned real-life couple sina Jake Vargas at Inah de Belen.
Unang nagkatrabaho ang dalawa sa 2016 Kapuso drama series na Oh, My Mama!
Sa show na ito nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa.
Going strong pa rin ang relasyon nina Jake at Inah.
Sa katunayan, napag-uusapan na rin daw nila ang pagpapakasal ani Inah sa isang panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
“To be honest, of age na kami ni Jake talaga for stuff like that. Napag-uusapan [na] namin but ang dami pa kasi naming gustong gawin,” ika ng aktres.
Bagamat may kanya-kanya silang proyekto at love team, damang-dama pa rin ng kanilang fans ang kanilang pagmamahal sa isa't isa sa pamamagitan ng kanilang nakakakilig na larawan online kaya naman binansagan silang 'JaInah.'
Tingnan ang sweetest photos nina Jake at Inah sa feature na ito.


























