
Ibinahagi ni Kapuso actress Inah de Belen na napag-uusapan na raw nila ng boyfriend niyang si Kapuso star Jake Vargas ang tungkol sa pagpapakasal.
Sa panayam ng 24 Oras sa aktres para sa kanyang upcoming episode ng Tadhana kung saaan makakasama niya sina Juancho Trivino at Jak Roberto, sinabi niyang nasa tamang edad na raw sila ni Jake para ikonsidera ang pagse-settle down.
Source: inah (Instagram)
“To be honest, of age na kami ni Jake talaga for stuff like that. Napag-uusapan namin but ang dami pa kasi naming gustong gawin,” ani Inah.
Mahigit apat na taon nang magkasintahan sina Inah at Jake. Noong August 2017 niya isinapubliko ang relasyon nila ni Jake, na aniya ay may basbas ng kanyang mga magulang.
Si Inah ay anak ng mga aktor na sina Janice de Belen at John Estrada.
Silipin ang sweetest photos nina Inah at Jake sa gallery na ito:
Samantala, nagbahagi naman ng ilang preparasyon ang soon-to-be-father na si Juancho tungkol sa nalalapit na panganganak ng asawa niyang si Joyce Pring.
Limang buwan na raw itong buntis at aniya ay marami itong napaglihihan gaya ng crab, shake, at Indian mango.
“Inuuna namin siyempre kami as a person mismo maging prepared kami to have that kind of responsibility. 'Yung spiritual book namin, also nandiyan din 'yung reading books about parenting. May mga gamit na kami at home na nasimulan na bilhin,” aniya.
Source: juanchotrivino (Instagram)
Natanong din si Jak kung may plano na ba itong magpakasal at aniya ay hindi pa siya handa para rito.
“Hindi pa. Medyo nag-iipon pa tayo. Sabi nga ni Juancho, kailangan paghandaan,” aniya.
Sina Inah, Juancho, at Jak ay tampok sa bagong episode ng Tadhana na ipalalabas ngayong Sabado.
“Ako po 'yung best friend ni Roy na pino-portray ni Jak na parang sumulot or naging sila nung character ni Inah,” paglalarawan ni Juancho sa kanyang role.
Si Jak naman ang boyfriend na pinagtaksilan ng karakter ni Inah dito.
“Ano ako dito painter na boyfriend ni Ina kaya lang may madi-discover ako sa kanilang dalawa ni Juancho sa character nila at magpapakalayo-layo ako,” ani Jak.
Pero ayon kay Inah, hindi lamang istorya ng pagtataksil ang naturang episode kundi kuwento rin ito ng pagpapatawad.
“Story of betrayal, story of best friends and then lovers, and in my opinion 'yung talagang buong scene na episodes [are] about forgiveness also,” dagdag pa niya.
Abangan sina Inah de Belen, Juancho Triviño, at Jak Roberto sa Tadhana ngayong Sabado, February 20.
Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.