Celebrity Life

Lovely Abella, ipinasilip ang kanilang tatlong palapag na bagong bahay

By Serina Joyce Duque

Emosyonal na ibinahagi ni Kapuso actress Lovely Abella ang kanilang bagong bahay ng asawang si Benj Manalo sa kanyang Instagram post.

Ayon sa Bubble Gang star, hindi pa rin siya makapaniwala sa biyayang natanggap ng kanyang pamilya.

Aniya, "Lahat ay isang pangarap na tinupad mo, Lord.

Ngayon pa lang nagsi-sync in sa'kin na totoong nangyayari lahat ng ito sa aming pamilya."

Inulan naman ang post ng suporta mula sa kanyang mga kaibigan sa industriya.

Proud na kaibigan si Barbie Forteza sa comments section.

Napa-yehey at "congrats" naman ang kanyang Bubble Gang co-star na si Arny Ross.

Comment naman ng komedyanteng si Kakai Bautista, "DESERVE!!!!!!"

Matatandaan na nitong June 10, nag-post din sa Instagram si Lovely ng larawan ng kanilang pinapa-renovate na bahay, kalakip ang mensahe nito para sa mga tulad niyang online seller.

"Sa mga kapwa ko online seller, nakaka-proud kayo. Soon, magkakaroon din kayo ng tulad nito," sabi ni Lovely sa kanyang caption.

Kwento ni Lovely sa kanilang Chika Minute interview, nagsimula ang lahat sa natumbang lagayan niya ng bags.

Nang i-suggest ng asawa na ibenta na lang ang mga bags na hindi niya nagagamit, agad-agad na kumuha ng phone si Lovely, pinwesto sa kanyang harapan, at nagsimulang magbenta.

"[Sabi ko] okay, okay, mag-o-online selling ako! Pasok pasok mga suki!

Ayun na po, nagsimula na po. Kung ano ano na po 'yung hinanap ko dito sa kuwarto para maibenta on that night," dagdag pa niya.

Bilang parehong laki sa hirap, gustong maka-inspire ng mag-asawa sa mga taong natatakot mag-umpisa ng kanilang negosyo.

Ang kanilang business, hindi lang pansarili. Nakakatulong din ang mag-asawa sa ibang online sellers na apektado ng COVID-19 pandemic.

Kwento ni Lovely, "Dahil natamaan sila ng pandemic at walang bumibili ng paninda nila, sa akin na nila pinapabenta."

Hanggang sa tumagal daw ay naging consignment na ang kanilang binebentang gamit at wala na silang inilalabas na puhunan.

Isang taon ang lumipas, mayroon na silang tatlong palapag na house and lot, ngunit tuloy-tuloy pa rin ang kayod ng mag-asawa.

Gayunpaman, agad rin naman nilang sinabi na hinding-hindi nila iiwanan ang showbiz dahil love nila ang acting.

Na-inspire ka rin ba sa dream house story nina Lovely at Benj? Ito pa ang ilan sa ating Kapuso stars na nagpapatayo rin ng kanilang sariling bahay ngayong quarantine: