Celebrity Life

Carmina Villarroel, nakatanggap ng birthday surprises mula sa kaniyang pamilya

By Maine Aquino

Bago pa man muling sumailalim sa ECQ ang NCR sa ECQ, nakatanggap na si Carmina Villarroel ng birthday surprise mula sa kaniyang pamilya.

Ipinakita ni Carmina ang nangyari sa kaniyang birthday celebration, na gaganapin sana ngayong August 17.

Ngunit ginawang mas maaga ito ng kaniyang mga kapatid na sina Rhea, April, at Paolo.

"ECQ na naman sa birthday ko. So this is what happened," panimula ni Carmina sa kaniyang vlog,

Ayon kay Carmina, naganap ang surprise nang bisitahin niya ang kaniyang amang si Daddy Regy.

"Wala po akong ka-alam alam, they all surprised me... Ang alam ko lang na since mag-ECQ, gusto ko sana bisitahin muna 'yung daddy ko."


Photo source: YouTube: Carmina Villarroel-Legaspi

Kitang-kita ang saya sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition host dahil sa inihanda ng kaniyang mga kapatid.

"I'm just very thankful to my siblings because they surprised me in their own little way," saad ni Carmina.

Kinabukasan ay muling nakatanggap ng birthday surprise si Carmina mula naman sa kaniyang mga kapatid.

Sabi ng actress-TV host, "Ang usapan talaga namin, since mag-ECQ na nga, bibisita sila sa akin today. Sinurprise na naman nila ako dahil hindi ko naman ine-expect na may gifts sila sa akin."

Ayon kay Carmina masaya siya kahit natamaan ng ECQ ang kaniyang kaarawan ngayong taon.

Wika ng Kapuso star, "Okay lang, basta ang importante lahat tayo ay healthy, lahat tayo ay okay. So, sumunod na lang po tayo, 'pag sinabing ECQ, go ECQ."

Panoorin ang birthday surprise vlog ni Carmina dito:

Samantala, tingnan naman natin ang designer bag collection ng birthday girl sa gallery na ito: