Celebrity Life

Kiray Celis, labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaniyang Sister Marina

By Jimboy Napoles

Hindi pa man lubusang nakaka-alpas sa pagluluksa sa biglaang pagkamatay ng kaniyang kaibigan na si 'Mahal' o 'Ate Noeme' ay nagdadalamhati na naman ngayon ang Kapuso Actress na si Kiray Celis dahil sa pagpanaw ng isa sa mga taong malapit sa kaniyang puso na si Sister Marina.

Sa instagram post ng aktres nitong Huwebes, September 8, 2021, inilahad niya ang labis na kalungkutan sa masamang balitang kaniyang natanggap.

“Iniwan na naman ako ng taong isa sa mga pinaka mamahal ko.. Sister marina ko.. bat moko iniwan? Sabi ko sayo diba bibilhan pa ni ng truck. Promise ko yun sayo diba? Ang bigat naman ng 2021.. :((“ post ng aktres.

Ibinahagi din ng aktres ang ilan sa mga larawan niya kasama ang yumaong si Sister Marina.

Kuwento pa ni Kiray, isa raw si Sister Marina sa tumulong sa kaniya upang makapag-aral noong mga panahon na hindi kayang tustusan ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pag-aaral sa pribadong eskwelahan.

“Sa mga hindi po nakakaalam, isa po si sister marina sa mga nagpaaral sakin sa St. Paul.. hindi po ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko sa private school nun. Pero tinulungan n'yo ako ni Sister Theresia. At ngayon.. magkasama na kayo sa heaven.”

Sa huling bahagi ng post, nagpasalamat si Kiray sa lahat ng tulong at magagandang ala-alang iniwan sa kaniya ng yumaong si Sister Marina.

Nagbigay naman ng pakikiramay ang ilan sa mga kaibigan ni Kiray kabilang na ang co-star niya sa Owe My Love na si Ruby Rodriguez.

Source: Instagram @kiraycelis