GMA Logo Ruby Rodriguez
What's on TV

Ruby Rodriguez, muling nilinaw kung bakit namalagi sa Amerika

By Bong Godinez
Published September 10, 2021 6:41 PM PHT
Updated October 25, 2021 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Lakers keep stumbling, fall to LaMelo Ball, Hornets at home
Khalil Ramos is on the digital cover of a men's fashion magazine
LIST: LGUs announce class suspension due to #AdaPH

Article Inside Page


Showbiz News

Ruby Rodriguez


Mayo ng taong ito lumipad si Ruby patungong States para doon na manirahan.

Marami ang nagulat ng mabalitaang naninirahan na sa Amerika ang komedyante at longtime Eat Bulaga co-host na si Ruby Rodriguez.

Mayo ng taong ito nang lumipad patungong Los Angeles, California si Ruby bagama't matagal na raw nakaplano ito at naantala lang dahil sa pandemya.

Kasalukuyang nagtatrabaho sa Philippine Consulate bilang parte ng legal department si Ruby.

“We're dealing with all the information of all the Filipinos presiding in Southern California,” banggit ni Ruby nang makapanayam ni Pia Arcangel para sa Tunay na Buhay.

“I went through the proper channel. I applied - application, I sent my curriculum vitae, my resume, all the clearances, the exams,” paglilinaw ni Ruby.

“Kaya nga I'm very thankful that they held my position because they understood that we were grounded, we were in lockdown. And then nag-closed din naman dito, sa US, so even the Consulate was closed at the time.

“Tapos kaka-open lang din naman nila and that's when I got the call that you have to come and I said okay.”

Ang pagtatrabaho sa Amerika ay bunga lamang ng mas malalim pang dahilan para kay Ruby.

Ito ay para mapagamot ang bunsong anak na si AJ na merong “intellectual disability.”

Paliwanag ni Ruby, “Meaning his brain is delayed to his biological age.”

May kondisyon si AJ na kung tawagin ay Henoch-Schonlein purpura, isang auto-immune disease.

“The HSP is not naman extremely rare but it happens but one attack lang. Ang rare is a chronic attack of HSP, which AJ had.”

Dagdag pa ni Ruby, “Ang HSP kasi damages internal organs specifically the kidneys.”

Malaking bagay din ang insurance coverage na mapapakinabangan ng husto ni AJ sa Amerika.

Hindi kasi biro ang gastos sa gamot pa lang kung sa Pilipinas magpapa-treatment si AJ.

Sa huli ay sinabi ng aktres na tanging hangad niya na maging “functioning member ng society” ang anak lalo na kapag wala na si Ruby para gabayan ito.

Panoorin ang buong panayam kay Ruby dito. May inihanda ring laro si Pia para subukan ang husay ni Ruby sa geography:

Samantala, silipin ang buhay ni Ruby Rodriguez sa America dito: