Celebrity Life

Anthony Rosaldo names Jeremiah Tiangco and Garrett Bolden his closest friends in showbiz

By Dianne Mariano

Sa bagong episode ng Hangout, ibinahagi ni Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo na sina Jeremiah Tiangco at Garrett Bolden ang pinakamalapit niyang kaibigan sa show business.

Ito ang kanyang ibinahagi nang tanungin siya ng isang fan kung sino ang kanyang pinakamalapit na kaibigan sa “Kingdom” ng All-Out Sundays.

Photo courtesy: GMA Artist Center (YouTube)

“Unang-una si Jeremiah (Tiangco) kasi kasama ko siya matagal na. In 2017, we both competed in the World Championships of Performing Arts in L.A.. So, nagkaroon na kami ng bonding doon sa States and then after, naging magkaibigan kami.

“And before siya sumali ng The Clash at naging grand champion, I was there to help him. I gave him pointers and I supported him hanggang sa manalo siya and hanggang ngayon magkasama kami sa All-Out Sundays,” pagbahagi ni Anthony.

Ayon sa Kapuso singer, si Garrett (Bolden) rin daw ay isa sa kanyang matatalik na kaibigan at matagal na ang pinagsamahan ng dalawa bago pa sila sumali sa The Clash season 1.

Wika ni Anthony, “And also si Garrett, siyempre brother ko 'yan from The Clash Season 1 at mahaba-haba ang pinagsamahan namin sa competition.

“Before pa nga yung The Clash, talagang ilang buwan din kaming nag-workshops sa GMA kaya well-bonded kami and happy kami for each other, mga success namin. Silang dalawa yung pinaka-close ko sa "Kingdom" pero close naman kaming lahat."

Panoorin ang buong online bonding ni Anthony kasama ang kanyang fans sa Hangout video sa itaas.

Samantala, tignan ang mga larawan ni Anthony Rosaldo at ang kanyang partnership sa isang food brand sa gallery na ito: