TV

Pinakabagong weekday morning lineup, magsisimula sa November 19!



Mas magiging exciting ang inyong weekday mornings simula nitong Lunes, November 19, dahil sa mas pinabonggang program lineup na siguradong kagigiliwan ng buong pamilya.

Lalong pinaaga ang mga anime shows na pangungunahan Doraemon at 8:00 a.m., pagkatapos ng Unang Hirit. Susundan ito ng InuYasha sa ganap na 8:25 a.m. at ng Atashin Chin by 8:50 a.m. Siguradong makukumpleto ang mornings ng mga kids kapag napanood nila ang Detective Conan at 9:15 a.m na masusundan ng One Piece at 9:40 a.m. at ng Knockout at 10:05 a.m.

Mga mommies naman ang tututok sa kanilang mga telebisyon sa bagong oras ng Cielo de Angelina na mapapanood na at 10:30 a.m. Ang Nay Agents na sina Gladys Reyes at Jaya ng Nay-1-1 ay mapapanood na pagkatapos ng Cielo de Angelina sa ganap na 11:00 a.m. Pagpatak ng 11:30 a.m. ay si Chef Boy Logro ng Kusina Master naman ang inyong makakasama na agad namang susundan ng Eat Bulagaat 12:00 p.m.

On Wednesdays naman ay mapapanood ang Del Monte Kitchenomics at 11:25 a.m. pagkatapos ng Nay-1-1 at bago mag-Kusina Master.

Visit GMANetwork.com for the complete program guide and for the latest news on your favorite Kapuso stars! -- Michelle Caligan, GMANetwork.com