GMA Logo Doc Adam
Source: docadamsmith (Instagram)
Celebrity Life

Filipino-speaking Aussie Doc Adam announces retirement from vlogging

By Jimboy Napoles
Published November 2, 2021 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Doc Adam


Malungkot na ibinalita ng Australian national at Filipino-speaking vlogger na si Doc Adam na hihinto na raw muna siya sa paggawa ng vlog.

Sa isang video, inanunsyo ng Filipino-speaking Aussie vlogger na si Doctor Adam Smith na hindi na muna siya gagawa ng vlogs at magpo-focus muna sa kanyang career bilang doktor at sa kanyang pamilya.

Nakilala si Doc Adam dahil sa kanyang health and medical related content, kung saan binibigyang linaw niya ang ilang misconceptions pagdating sa usaping medikal. Pero kung marami ang natutuwa sa kanyang videos, marami rin daw ang hindi nagustuhan ang kanyang content lalo na ang ilang kilalang personalidad dahil nasisira raw ng Aussie doctor ang kanilang reputasyon at mga ineendorso o ibinebentang produkto.

Paglilinaw naman ng Filipino-speaking vlogger at doctor, wala siyang intensyon na manira ng reputasyon. Nais niya lang daw makatulong sa mga tao upang hindi maloko at maging maingat sa kanilang kalusugan.

Marami na rin daw mga reklamo at kaso ang inihain sa kanya ng mga personalidad na naapektuhan daw ng kanyang content, kaya mas pinili na lamang niya at ng kanyang asawa na tumigil na sa vlogging.

"Dahil sa lahat ng naranasan ko dito, we've had some chats, me and KC, and we've decided that we're going to leave YouTube. It's not worth it," pahayag ng doktor.

Masyado na rin daw malaki ang kanyang nagagastos sa lawsuit na inihain sa kaniya ni Dr. Farrah, ang isa mga doktor na inireklamo siya sa Australia, kaya napagpasyahan na ng kanyang asawa na huminto sa vlogging at mag-focus na lang sa pagtulong sa isang komunidad sa Australia.

"We've decided now that we've stopped, we're going to travel. Not travel, but travel and work. So we'll go to the north of Australia and do some work with like, deprived communities, like the Aboriginal communities and do some work up there," kuwento ni Doc Adam.

Bukod dito, isa rin sa pinaghahandaan nila ngayon ay ang kanilang pagpapakasal sa susunod na taon.

"And we're gonna get married next year, hopefully," masayang sinabi ng doktor.

Mahigit apat na taon na sana ang pagiging vlogger ni Doc Adam bago niya napagdesisyunan na tumigil na ang pagagawa ng content.

Panoorin ang kanyang latest vlog dito:

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilan pang mga sikat na Filipino vloggers at ang kanilang mga naipundar mula sa vlogging: