GMA Logo Allen Ansay and Sofia Pablo
Source: itsmeallenansay (Instagram)
Celebrity Life

Allen Ansay, sinorpresa ni Sofia Pablo sa kanyang kaarawan

By Jimboy Napoles
Published November 23, 2021 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay and Sofia Pablo


Masaya si 'StarStruck' alumnus Allen Ansay sa birthday surprise na natanggap mula kay Sofia Pablo.

Masayang idinaos ng Kapuso teen star na si Allen Ansay ang kanyang 18th birthday ngayong Martes, November 23, kasama ang mga kaibigan at Prima Donnas co-stars.

Sa Instagram, ibinahagi ni Allen ang pasasalamat sa ginawang pagsorpresa sa kanya ng kanyang "Aki" na si Sofia Pablo.

"Salamat kay Aki sa surprise mo, na-prank pa ako hahaha pero maraming salamat Aki sa effort mo," sulat ni Allen.

Nag-iwan pa ang aktor ng nakakakilig na mensahe para kay Sofia.

"wala ng mas sweswerte pa sakin na meron akong Aki na tulad mo," aniya.

A post shared by Allen Ansay (@itsmeallenansay)

Nagpasalamat din si Allen sa GMA Artist Center na nagpadala pa ng birthday cake para sa kanya, pati na rin sa co-stars at production crew ng Prima Donnas na naging kasabwat ni Sofia sa pagsorpresa sa kaniya.

"Maraming salamat @artistcenter sa birthday cake... sa lahat ng #PrimaDonnas cast and production na bumati at naki-surprise kay Aki hahaha talagang naprank ako, sa pamilya ko na nasa Bicol at sa lahat ng bumati ngayong kaarawan ko, maraming salamat sa inyong lahat." mensahe ni Allen.

Sa comments section ng kanyang IG post, bumati rin ng maligayang kaarawan ang ilan pang malalapit na kaibigan ni Allen sa showbiz tulad nina Mark Herras at EA Guzman.


Source: itsmeallenansay (Instagram)

Abangan sina Allen Ansay at Sofia Pablo sa Season 2 ng Prima Donnas kasama sina Jillian Ward, Will Ashley, Althea Ablan, at Elijah Alejo, malapit na sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, silipin ang ilang mga larawang ng iba pang Kapuso teen heartthrobs gaya ni Allen Ansay sa gallery na ito: