TV

Nakakakilig na Prom-posals, this Sunday na sa Teen Gen



Isa
sa mga highlights ng teenage life ang Prom. Lahat ng aspects nito pinagpaplanuhan- from the prom dress, to the hair and make-up, at siyempre, pinkaimportante ang date. This Sunday, Teen Gen chronicles the preparations involved in this exciting stage of the teens’ life.

Dahil Prom season na, season na rin para sa mga prom-posals. Much awaited kung ano ang mangyayari kina Lucho at Lyca, who have had their share of kilig moments. May iba pa kayang magkakadevelopan?

While everyone in school is gearing for the JS Prom, mukhang di na mapigilan ni Lucho na madevelop ang feelings kay Lyca especially after their bonding nuong ma-ligaw sila sa field trip.  Meanwhile, halos lahat ng babae sa school, gustong maka-date sa Prom ang TG Boys. Pero may ibang trip ang mga boys na 'to. 

Sina JV, Itos at Tiago, dinaan sa pustahan – ang unang makakakita ng girl with red hanky ang siyang mag-promposal para maka-date ito sabay panalo ng ten thousand pesos. Who could be the lucky girl? Si Madison naman, mukhang may lucky guy din na makikilala dahil may mystery guy na gustong i-pair sa kanya.

Siyempre, hindi mawawala ang kilig moments nina Peachy and Wax. Ano kayang sweet moments ang in store for the former sweethearts this time around?

Maging smooth-sailing kaya ang upcoming JS Prom ng mga teens? Sino-sino kaya ang magiging magkadate for Prom? Abangan this Sunday sa Teen Gen, pagkatapos ng Party Pilipinas.