Showbiz News

Lovi Poe at Rocco Nacino, nagkakamabutihan na nga ba?



Kasalukuyang nalilink sa isa’t isa ang Yesterday’s Bride co-stars na sina Lovi Poe at Rocco Nacino. Sabay na dumating ang dalawa sa isang nakaraang magazine event, at may mga nakakita rin sa kanilang magkasama sa isang mall. Samantala, marami ang nagtataka kung ano na ang nangyari sa espesyal na namamagitan kina Rocco Nacino at Sheena Halili, na dalawang taon na ring nalilink sa isa’t isa? Ano nga ba ng real score kina Lovi at Rocco?

Sa panayam ni Raymond Gutierrez kina Lovi at Rocco sa HOT TV noong January 20, sinabi ni Lovi na, “Hindi nawala yung friendship namin (since our first project together). Kahit kalian hindi naputol iyon. Siyempre mas nakilala naming ang isa’t isa, especially nung nagstart na yung Yesterday’s Bride, so I’m really happy. Of course, I enjoy Rocco’s company.” Dagdag pa ni Rocco, “Term namin diyan, HOHOL: Hang Out –Hang Out Lang. “

Nakarating din sa HOT TV na sweet na sweet daw si Rocco kay Lovi on the set ofYesterday’s Bride. Inamin naman ni Rocco na talagang concerned siya sa kanyang leading lady. “Siyempre kailangan ko siya ihatid kasi marami ng tao na nagpapapicture eh. Inaalalayan ko siya pabalik sa tent niya. Siyempre, aalagaan ko yung leading lady ko.”

Appreciative naman si Lovi sa gestures ni Rocco. “I really appreciate everything that he does naman. Even the simplest things sa set. It’s not just me naman. Maalaga lang talaga siya sa aming lahat. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil ganoon siya.”

Diretsahang sinagot ni Rocco ang tanong kung sila na nga ba ni Lovi. Aniya, “No, we’re not in a relationship. We’re just really, really good friends, closer than before.” Nilinaw din niya ang mga usap-usapan tungkol sa napapabalitang naging relasyon daw nila ni Sheena Halili. Ayon kay Rocco, “Hindi kami umabot sa point na iyon. We dated for almost 2 years. We don’t see each other that much anymore.”

Sa isyu namang si Lovi daw ang dahilan kung bakit nahadlangan ang kung ano mang namagitan kina Rocco at Sheena, agad dumepensa si Rocco kay Lovi. “Once and for all, walang kinalaman si Lovi diyan and I want to clear her name.” Para naman kay Lovi, “For me, I think it’s probably normal, especially since may show kami ni Rocco together. This thing naman, sa kanila na iyon. It’s none of my business, so I’m not really bothered anyway since it’s not true.”

Hindi apektado ng mga negatibong issues ang dalawa. Patuloy pa rin sila sa kanilang makulay na pagkakaibigan. “I definitely would like to still hang out with Lovi. Sigurado yan. Mas naging close kami ngayon eh. Hahanap-hanapin din naming yung fun moments namin together,” shares Rocco. “Makulit kasi tong si Rocco kaya masaya kasama,” Lovi adds.

Kung sina Lovi at Rocco ay tuloy tuloy ang pagkakaibigan, magkatuluyan naman kaya ang mga karakter na ginagampanan nila na sina Andrea at Justin? Abangan sa GMA Afternoon Prime na Yesterday’s Bride, pagkatapos ng Eat Bulaga. -Text by Samantha Portillo, GMANetwork.com