
Ipinagdiriwang ngayon ni Kapuso actor Mark Herras ang kanyang 35th birthday.
Sa Instagram, ibinahagi ni Mark ang mga larawan niya bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan.
"Thirty-five," sulat ng aktor, na may kasamang hashtags na "35" at "Badboy."
Bukod sa netizens, nagpaabot din ng pagbati ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Mark sa showbiz tulad nina Mel Martinez, Jade Lopez, Bryan Benedict, Edgar Allan Guzman, Kristoffer Martin, Yasmien Kurdi, Nikki Co, Dion Ignacio, at Benjamin Alves.
Samantala, kabilang si Mark Herras sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247. Makakasama niya rin dito sina Kris Bernal, Rhian Ramos, at Benjamin Alves.
Sa Artikulo 247, gagampanan ni Mark ang karakter ni Elijah Borromeo, isang mapagmahal, mapag-aruga, maaasahan, at perfect gentleman. Ayon kay Mark, excited na siyang maipakilala sa lahat si Elijah, na malapit nang mapanood sa GMA.
Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso actor Mark Herras sa gallery na ito: