Celebrity Life

Jennica Garcia, ipinatanggal daw ng ama ang bikini photo niya?

By Aimee Anoc

Sinagot ni Jennica Garcia sa Mars Pa More kung totoong pinatanggal ng ama ang bikini photo niya sa Instagram.

Paliwanag ni Jennica kina Mars Pa More hosts Camille Prats at Kim Atienza, siya na mismo ang nagbura nang tanungin ng kanyang ama kung bakit siya nag-post ng bikini photo sa social media.

"So nag-post ako ng bikini photo tapos nakakatawa pa hindi naman ako nagbi-bikini, Kuya Kim, pero sabi ko sa sarili ko parang kailangan ng self-esteem ko 'to. Nu'ng sinuot ko,Mars, nagulat din ako. Sabi ko, 'Girl, kaya mo pa.' Nagulat din ako kasi hindi naman ako nagsusuot ng ganu'n," kwento ni Jennica.

Dagdag niya, "Nag-text po siya sa akin, sabi niya, 'Jennica, bakit ganyan ang photos mo sa Instagram?' Tapos 'yung bakit n'ya capital tapos 'yung question marks n'ya lima. Nataranta ako, Kuya Kim, hindi ko alam kung paano ako mag-e-explain. So sabi ko the easiest way is to delete it and reply, 'sorry papa, binura ko na po.'"


Kapalit nang pagbura sa kanyang bikini photo, ibinahagi ni Jennica ang nakatutuwang larawan ng ama.

Pabirong sagot ni Jennica sa kanyang ama, "Bakit ikaw pa, nag-swimming ka tapos wala ka pang pang-itaas?"


Noong December 16, magkasamang nag-guest sa Mars Pa More sina Jennica at Awyn Uytingco.

Ayon kay Jennica, nasa proseso silang mag-asawa na ayusin muli ang kanilang relasyon pero marami pang kinakailangang "healing."

"Baka kasi too early to say, kinakabahan ako. We're on the same page. Of course, we are believing in God for our marriage to work. It's just that I'm not so... there's so much healing that needs to happen. I still have unhealthy coping habits. So, I'm really working on it," pagbabahagi ni Jennica.

Ikinasal sina Jennica at Alwyn noong February 2014. Noong May nitong taon, kinumpirma ni Jennica ang paghihiwalay nilang mag-asawa.

Samantala, patuloy na mapapanood sa Jennica sa Afternoon Prime series na Las Hermanas, Lunes hanngang Biyernes, 2:30 p.m sa GMA.

Samantala, tingnan ang buhay ni Jennica Garcia bilang isang ina sa gallery na ito: