Celebrity Life

'Artikulo 247' star Brent Valdez shares his 2022 New Year's resolution

By Jimboy Napoles

Sa kabila ng patuloy na krisis dulot ng pandemya, malaki pa rin daw ang ipinagpapasalamat ng aktor na si Brent Valdez sa taong 2021 dahil sa mga biyayang dumating sa kaniya gaya ng pagiging bahagi ng cast sa upcoming Kapuso afternoon series na Artikulo 247 at ang kaniyang pag-renew ng management contract sa GMA Artist Center.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Brent, ibinahagi niya ang kaniyang mga plano para sa taong 2022, isa na rito ang mas pagpapahalaga at pagmamahal sa kaniyang sarili.

Aniya, "New Year's resolution for myself is not to be so hard on myself just chill and parang lang 'yan sa meditation e, breath in, breath out. Kung hindi man mangyari 'yung [plano mo] c'est la vie (that's life) okay lang 'yan marami pang opportunities."

Gagamitin daw niya ang bagong taon upang mas mahasa pa ang sarili sa trabaho at napiling career.

"Marami pang time para i-build ang sarili ko knowing dito sa mga natutunan ko from my years sa industry feeling ko marami na akong maia-apply for 2022 para mas maging better ako as a person," kuwento ni Brent.

Samantala, alamin ang iba pang celebrity 2022 New Year's resolutions sa gallery na ito: