Celebrity Life

Faith Da Silva, may blooming career at love life ngayong 2022

By Jimboy Napoles

Sa pagbisita ni Las Hermanas star na si Faith Da Silva sa Unang Hirit kamakailan, isang astrologer na si Suzette Arandela ang nagbigay ng kaniyang 2022 predictions sa aktres.

Ayon kay Suzette, magiging maganda ang takbo ng karera ni Faith sa taong 2022, kabilang na rito ang dalawang pelikula na pagbibidahan niya na tiyak na papatok daw sa takilya.

Aniya, "Si Faith, very lucky this year, kasi magiging busy siya maraming opportunities na darating, may dalawang pelikula akong nakikitang gawin mo at kikita ito sa takilya."

Dagdag pa niya, "Sa modeling may isang company na kukuhain ka as model so go tanggapn mo ito."

Blooming din daw ang love life at kalusugan ng aktres ngayong taon.

"And then sa love life, very lucky din siya, maraming admirer, marami pa ring fans na hahanga sayo at ang iyong health, excellent walang problema," ani Suzette.

Sa pagpasok ng taong 2022, natupad din ang pangarap ni Faith na makatrabaho ang aktor na si John Lloyd Cruz sa Happy ToGetHer kung saan siya ay naging celebrity guest.

Kuwento ni Faith, "I remember when I was young, lumaki po kasi ako sa lola ko. Ang lola ko po hindi lumalabas at pumupunta ng sinehan dahil medyo mahina na po yung tuhod niya. Pero the only time na pupunta kami ng sinehan is kapag John Lloyd at Bea ang palabas.”

"So this is literally a dream come true for me so I'm very, very grateful to GMA Network, GMA Artist Center and Happy ToGetHer dahil ibinigay nila sa akin itong opportunity na ito," dagdag pa niya.

Mapapanood si Faith Da Silva bilang si Scarlet Manansala sa Las Hermanas, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Samantala, mas kilalanin naman si Faith sa gallery na ito: