Celebrity Life

Meryll Soriano, nais i-explore ang kanyang creative side ngayong 2022

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Meryll Soriano ang kaniyang New Year resolutions para sa taong 2022 sa kanyang vlog.

Una niyang nabanggit ang pagbabasa muli ng libro, na laging kasama sa kanyang listahan taun-taon.

Pagbabahagi niya, "Every year, laging ito ang New Year's resolution ko na hindi ko natutupad pero gusto ko na siyang gawing routine every year. Gusto ko ay mag-start ulit magbasa ng libro."

Paliwanag pa ng celebrity mom, "I don't know why hindi ako nakakatapos ng libro. But yes, isa 'yun sa mga new year's resolution ko this 2022."

Pagdating sa pagkain, nais ni Meryll na magbawas ng sweets ngayong 2022.

"No sweets six times a week. Ibig sabihin meron akong cheat day kasi, siyempre, kailangan ko 'yun. Nakaka-happy 'yun. Sugar is my frenemy. So, I'm really hoping na matupad ko ang once a week, dapat nga once a month lang e."

Photo source: @planetumeboshi

Isa pang gustong gawin ni Meryll para sa kaniyang kalusugan ay sabayan ang healthy eating habit ng exercise. Ito raw ay para magampanan niya ang pagiging mommy sa kanyang one-year-old son na si Gido.

"To eat healthy and ipagpatuloy ko ang pagwo-workout ko at pagiging strong, empowered woman because meron na tayong inaalagaan ngayon na toddler na dahil siya ay isang taon na."

Para sa kanyang personal growth, gusto ni Meryll na maglaan ng oras para i-explore ang kaniyang creative side.

"A creative and active mind for this year. I would like to do more art, more designs, and to collaborate with other artists and 'yun ay gusto ko talagang masimulan na."

Panoorin ang vlog ni Meryll with her family ngayong simula ng 2022:

Samantala, tingnan ang modern family nina Meryll at Joem dito: