Celebrity Life

Ysabel Ortega shares reason why she started vlogging their farm in La Union

By Aimee Anoc

Bago lamang sa mundo ng vlogging si Kapuso actress Ysabel Ortega.

Ayon kay Ysabel, wala sa plano niya ang magkaroon ng YouTube channel hanggang sa ma-inspire siya sa sinabi ng kanyang ina tungkol sa kanilang farm sa La Union.

"Actually, when I started vlogging sobrang spontaneous lang. It wasn't really a big plan of mine na mag-launch ng YouTube channel. Before I only had one video sa YouTube channel ko," pagbabahagi ni Ysabel.

A post shared by Maria Ysabel Ortega (@ysabel_ortega)

Sinimulang ibahagi ni Ysabel ang simpleng buhay nila sa farm noong December 2020.

"And then noong pandemic binuhos talaga namin 'yung time namin sa farm namin and sa buhay namin here sa province. So napag-isip din namin ng mom ko 'why don't we share this to people?' It's part of my life na never ko pang na-share before and I was thinking na it's such a big milestone sa buhay namin," dagdag niya.

Hindi naman nagkamali si Ysabel sa naging desisyon na ipakita ang kanilang poultry farm sa La Union dahil nakapagbigay inspirasyon ito sa marami.

Sa ngayon, mayroon nang 1.3 million views ang kauna-unahang video ni Ysabel tungkol sa kanilang farm.

"Being in the farm really something na I think people would want to see in my life. That was how I started my farm videos na na-enjoy naman din po ng mga tao and after that tuloy-tuloy na 'yung journey ko sa YouTube," sabi ng aktres.

Samantala, kabilang si Ysabel sa cast ng upcoming series na What We Could Be at bibigyang buhay niya ang karakter ni Jamie Robinson sa Voltes V: Legacy.

Mas kilalanin pa si Ysabel Ortega sa gallery na ito: