GMA Logo Aiai Delas Alas
Celebrity Life

Aiai Delas Alas, may funny paandar habang naglilinis ng bahay

By EJ Chua
Published January 25, 2022 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire engulfs warehouse in Caloocan City
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Muling kinagiliwan ng mga netizens ang bagong TikTok video ni Aiai Delas Alas!

Suot ang kumikinang na sexy at bonggang outfit, good vibes na naman ang hatid ni Aiai Delas Alas habang pinagsasabay ang paglilinis at pagsasayaw.

Sa bagong video na in-upload ni Aiai sa trending app na TikTok, mapapanood ang isa na namang funny paandar ng tinaguriang comedy queen.

Habang naglalampaso, tila nagmistulang dance floor ang sahig na nililinis ni Aiai habang sinasayaw niya ang kantang “Button” na pinasikat ng American girl group na Pussycat Dolls.

Lubos na namang kinagiliwan ng netizens ang bagong paandar ni Aiai.

Aiai Delas Alas

Aiai Delas Alas

Sa kasalukuyan, mayroon nang 22.7k views ang dance video ni Aiai sa kanyang TikTok account.

@msaiaidelasalas

Ito ang tamang .... M.O.P

♬ Buttons Remix - Showmusik Sounds

In-upload din ni Aiai ang kanyang video sa Instagram at sa ngayon ay mayroon na itong mahigit 84k views.

Matatandaang kamakailan lang, kinagiliwan din ng netizens ang “Toxic challenge” entry ni Aiai sa TikTok habang sumasayaw sa kalagitnaan ng snow.

Sa kasalukuyan, magkasama pa ring nagbabakasyon si Aiai at ang kanyang asawa sa United States.

Samantala, tingnan ang sweetest photos ni Aiai Delas Alas at ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan sa gallery na ito: