Celebrity Life

Luane Dy, may payo sa mga gustong magsimula ng negosyo

By Maine Aquino

Nagbigay ng payo ang Kapuso star na si Luane Dy sa mga taong gustong subukan ang pagnenegosyo.

Si Luane ay nagsimula ng kanyang clothing line nitong December 2021 lamang. Makikita ang kanyang clothing business na Lu Classy Apparel + Tablewares sa Instagram.

Photo source: luziady (IG)

Payo niya, "Go for it! Lalo na ngayon, go for the goal!"

Saad pa ni Luane, ang pagnenegosyo ay kinakailangan ng lakas ng loob. Ito ay dahil sa hindi mo agad makikita ang resulta ng inyong pinaghihirapan.

"Sige lang, ano 'to, lakasan ng loob.

"Ganun talaga. Sabi nga nila, 'pag papasok ka sa isang negosyo para siyang sugal. May risk pero hindi mo alam kung magiging okay ba siya or hindi, 'di ba?"

Bukod sa lakas ng loob, payo rin Luane na maging optimistic na maraming tumangkilik sa produkto o serbisyong hatid ng isang negosyo. Bukod rito, kailangan rin na maging masikap para magtagumpay ang isang negosyo.

"Think positive na lang. Hindi natin alam, ipagdasal na lang natin and then we'll try to do whatever we can para maging successful 'yung business. Just go for it!" saad ni Luane.